Sabay naming binuhat ni Jerome ang corner table para dalhin sa isang sulok. We are now arranging some of the furnitures. Nag aayos kasi kami ngayon dahil lumipat na kami rito sa Rizal. Gusto ni Jerome na mag hire ng interior designer pero hindi na ako pumayag. Gusto kong kami ang mag aayos ng bahay dahil nag eenjoy naman ako. We are planning to have house warming tomorrow. We invited my family of course. Balak namin na bukas na sabihin sa kanila na nagka ayos na kami ni Jerome. "How about we put a family picture here?" Tiningnan ko naman ang pader na tinuro n'ya. Napatango naan ako. Center of attraction ang pader na iyon kaya maganda ngang lagyan ng family picture. "Let's have a family picture next week," he suggested. Wala pa nga pala kaming family picture kahit na selfie man lang.

