Maaga akong nagising at nag punta sa restaurant para mag almusal dahil mayroon kaming usapan ni Eros. Pagka gising ko kanina ay hindi ko na nakita si Jerome sa cabin ko. Siguro ay bumalik na s'ya sa sarili n'yang cabin. I meant I said last night. Seryuso akong gagawin ko talaga at pipigilan ko ang sarili kong bumalik sakanya. Sa ngayon ang inportante saakin ay si Aris. "It look so great. Ang gaganda nang designs mo, nahihirapan tuloy akong mamili," kinikilig na sambit ni Sophia habang tinitingnan ang mga iginuhit kong wedding gown. Iyong una kong ginawa na malapit nang matapos ay gusto n'yang palitan kaya hindi ko narin yon tataposin. Okay narin yon dahil hindi ko iyon natutokan masyado. "Ano ba ang peg mo sa gown?" "Hmm. Nakita mo iyong gown na sinuot ni Viy? Iyong vlogger ba, iyon i

