We drove to my shop. Deniretso ko naman sila sa office ko sa second floor para makapag laro si Aris while I do my work. Si Jerome naman ang kasama n'ya sa itaas. Malapit ng matapos ang gown ni Sofia. Talagang hindi kami tumanggap ng iba pang gustong magpatahi para lang matapos namin kaagad ito. Hinihintay na lang namin na pumunta si Sofia para sa final fitting tapos ay ma fa- finalize na ang kanyang gown. "Ma'am mag ama mo ba yon?" Nakangising tanong ni Meliza saakin. "Tatay lang ng anak ko. Pero hindi ko asawa iyon." "Ay? Bakit? Ang gwapo kaya, kaya pala ang pogi ng anak n'yo ma'am. Manang mana sa Tatay." Pagkarating namin kasi kanina ay pinakilala ko si Aris sakanila. Si Jerome naman ay nakasunod lang saakin at hindi ko pinansin. Ang ibang trabahante ko naman ay kilig na kilig ng ma

