Cassandra
Hello anak kumusta ang mga apo namin? dadalaw kami diyan sa cebu next week kasama ng mga kasosyo namin ni dad mo sa negosyo.Namimiss na namin ang aming mga apo.
Napangiti sya pagkarinig sa sinabi ng ina, Kailan kayo pupunta dito ni dad mom? para makapaghanda naman ako.yung kambal miss na miss na din kayo ni dad, naku mom sobrang kulit ng dalawang yun, nakaka konsumi pero masaya naman ako dito mom, sobrang fulfilling magkaroon ng mga anak mom.
Alam ko anak and miss na miss na rin namin sila ng dad mo.
And anak?
Yes mom?
We are so proud of you, kami ng dad mo, napalaki mo ang mga apo namin ng maayos, mababait at magagalang na mga bata, patawad kong wala kami sa tabi mo nang ipagbuntis mo ang kambal.
Hay naku mom sobrang pilyo ng magkambal pero malalambing naman, don't worry mommy I understand, it's my choice to face it alone, hindi nyo kasalanan mom,
you grow up at nagiging matured ka na mag isip mula nang nagkaroon ka ng mga anak, it suit's you for being a mother iha.
By the way iha! kailan ka ba maghahanap ng makakasama sa buhay at maging ama ng mga bata?Aba cassandra hindi ka na bumabata.matanda na kami anak, baka naman mawala na lang kami sa mundo ay single ka parin, kailangan mo ng katuwang sa buhay anak, para may kasama ka na mag alaga sa mga apo namin.gusto namin na makita kang maayos at may masayang pamilya, bago man lang kami mawala sa mundong ito.
Napapapikit sya sa sinabi ng ina, hindi nya kayang isipin na mawawala ang mga ito, mahal na mahal nya ang kanyang mga magulang. Mom please don't say that! para Kang nag papaalam.
Iha maiksi lang ang buhay, Ang gusto lang namin yung magkaroon ka ng asawa na masasandalan at makakasama mo sa buhay hanggang sa pagtanda,
Mom hindi po muna sa ngayon,saka na kapag makahanap na ako ng matinong lalaki,
Basta anak kami muna unang kikilatis ha. Ang importante yung tanggap ang mga anak mo, huwag kang magmahal ng babaero lalo yung nananakit ng asawa.
Yes mom!! thank you po sa lahat ng pag alaga at pag intindi sa akin at pati na sa mga apo nyo, mahal na mahal ko po kayo ni dad.
Mahal na mahal ka rin namin anak at ang mga apo namin,
Sige na anak,mamili pa kami ng mga pwedeng ipasalubong sa inyo at sa mga bata.
Ok po mom ingat po kayo diyan regards po kay dad. Bye.
Sorry mom, sorry dad, hindi ko po kayang sabihin sa inyo sa ngayon, na hindi naman talaga patay ang ama ng mga anak ko, kasi hindi ko naman talaga siya kilala, na nabuo lang sila dahil sa kalasingan ko,
At nang dahil sa kataksilan ng ex ko, pero ganun pa man hindi ko pinagsisihan ang lahat.ng yun, dahil doon ako natututo at nagkaroon ng direksyon sa buhay, doon din ako nagkakaroon ng mga anak.
kung sana ganun ako katapang para masabi ko sa inyo lahat ng sekreto ko,
kaso hindi ko pa kaya hindi pa sa ngayon,sorry mom sorry dad, sorry po sa lahat,naluluha siya tuwing maalala nya ang gabing yun. ngayon namumuhay akong mag isa dito sa cebu.kayang Kaya ko naman sana bumili ng kahit anong naisin ko, pero not this time.
Gusto kung matutunan lahat yung ako ang mag provide sa mga anak ko. ayaw ko din na maeskandalo ang pamilya ko dahil sa akin, Kaya dito ako nagtatago nung nabuntis ako, gusto ng magulang Ko na hanapin ko yung lalaki, pero ayaw ko naman dahil natatakot ako na baka kunin nya lang yung mga anak ko sa akin.kaya napilitan ko na sabihin na patay na sya, Kahit nagbibigay sila ng tulong sa akin sinisiguro kung sarili kung pera ang ibubuhay ko sa mga anak ko.