Sa sandaling marinig ang pangalan ni Engr. Sabrina Mendez, biglang nag-iba ang ingay sa loob ng Senior Felipe Event Center sa Olongapo, Zambales.
Mula sa kanina'y masayang bulungan ng mga panauhin, tila may kung anong kaba ang dumaloy sa buong bulwagan.
Sa gitna ng entablado, nakatampok sa napakalaking LED screen ang pangalan ng okasyon:
'VALERIAN GALAXY COMPANY
35TH FOUNDING ANNIVERSARY'
Puting ilaw at gintong dekorasyon ang nangingibabaw sa buong venue. Marangya, elegante, at halatang pinaghandaan nang mabuti ang bawat detalye.
May mga pamilyang magkakasamang nakaupo. May mga negosyanteng abala sa pakikipag-usap sa kanilang mga kasosyo. May mga panauhing tila walang ibang iniisip kundi ang selebrasyon.
Hanggang sa umalingawngaw ang tinig ng emcee.
"Good evening, everyone! May I have your attention, please?"
Unti-unting tumahimik ang buong bulwagan.
"I'm Mark Soriano, and I will be your emcee for this special evening." Ngumiti siya bago muling nagsalita. "Tonight, we are honored to welcome a true visionary and leader in the fields of Technology and Engineering."
May ilang panauhing napatingin sa isa't isa.
"She has dedicated her career to developing innovative solutions for a more beautiful, efficient, and sustainable future." Huminto sandali si Mark. "As the Founder and CEO of SM Empire Holdings, she has successfully spearheaded numerous initiatives that have created a significant impact in the industry."
Sa isang bahagi ng bulwagan, may mga matang nagsimulang maghintay nang may pag-aalinlangan.
"With her extensive expertise, she has been at the forefront of designing cutting-edge systems and solutions."
Mas lalong lumakas ang pananabik at bulungan ng mga panauhin.
"But beyond her professional achievements, she is also a passionate advocate for empowering the next generation. Tonight, she will be sharing her insights on building a sustainable future through technology and leadership." Ngumiti ang emcee.
Sandaling tumahimik ang buong venue.
Pagkatapos...
"Ladies and gentlemen, please join me in giving a warm welcome to the Founder and CEO of SM Empire Holdings, and the exceptional Business Partner and Brand Ambassador of Valerian Galaxy Company..." Huminto siya para bitinin ang madla. "Engr. Sabrina Mendez, CpE!"
Umalingawngaw ang masigabong palakpakan.
Tumayo ang mga panauhin habang unti-unting bumabalot sa entablado ang usok mula sa haze machine bilang bahagi ng kaniyang engrandeng pagpasok.
Isa.
Dalawa.
Tatlong segundo.
Walang lumalabas.
Hanggang sa dahan-dahang gumalaw ang kurtina sa backstage. At mula roon, lumitaw ang isang babae.
Nakasuot siya ng isang marangyang masquerade half-mask. Ang buhok niyang may gel at green highlights ay nakasuklay lahat paatras, bagsak na bagsak at bahagyang lampas sa balikat. Suot niya ang isang fitted black off-shoulder evening gown na may mataas na slit sa kaliwang hita.
Simple ang kaniyang pagkakabihis, ngunit sa bawat hakbang niya, tila buong entablado ang sumusunod sa kaniyang presensya. Hindi siya nagmamadali, at hindi rin siya ngumiti.
Isa-isang nagbago ang ekspresyon ng mga taong nakatingin sa kaniya—lalo na ang pamilya Cervantes.
At nang dahan-dahan niyang alisin ang maskarang tumatakip sa kalahati ng kaniyang mukha—napako si Dominic sa kaniyang kinatatayuan. Nanlaki ang kaniyang mga mata habang parang biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid.
Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon ng kaniyang katawan, ngunit may isang bagay siyang alam: hindi dapat naroon ang babaeng iyon.
Hazel brown ang contact lenses na suot ni Sabrina. Tahimik ang kaniyang mga mata, ngunit may kung anong malamig at misteryosong nakatago sa likod ng mga iyon.
Humakbang siya patungo sa gitna ng entablado—walang takot, walang alinlangan. At sa bawat hakbang niya, tila may isang madilim na nakaraan na unti-unting bumabalik.
Sino nga ba talaga si Engr. Sabrina Mendez?
Bakit tila hindi makahinga ang pamilya Cervantes nang makita siya?
Bakit maging ang pamilya Salcedo ay tila nagulat din sa kaniyang presensya?
At higit sa lahat—bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon ni Dominic?
"It is a pleasure to meet you, Cervantes family. And I am delighted that we will be working together in the same company," saad ni Sabrina nang makalapit at makaharap na sa kanila.
Hindi alam ng mga taong naroon na ang gabing iyon ay simula lamang ng isang bagay na matagal nang naghihintay na mangyari.
Dahil minsan, may mga taong akala natin ay tuluyan nang nawala.
May mga taong akala natin ay nasira na.
At may mga taong akala natin ay hindi na kailanman babalik.
Pero paano kung ang taong akala mong tuluyan mo nang winas*k... ay bumalik para ikaw naman ang was*kin?
Kung ang tunay na dahilan ng pagbabalik ni Sabrina ay hindi para makipagkaibigan—kundi para maghiganti?
Sino ang kaniyang kakampi? At sino ang magiging unang biktima?
ABANGAN...