Kabanata 82

1315 Words
Kabanata 82 Pagtapos ng Christmas party ay dumiretso muna kami nila Angeline sa bahay namin para kuhanin ang pera ko pati phone. Hindi kasi kami nagdala ng phone kanina sa school dahil mas mage-enjoy kami kung walang distraction. -Squad- Janella: Asan na kayo? @Angeline @Makayla Suzette: Nandito na kami sa bahay nila Janella, kayo na lang ang wala. Angeline: Nandiyan na si Aaron? Janella: Oo, teh! Kanina pa. Ako: Papunta na kami. Binaba ko muna yong phone ko at bumaling kay mommy na busy sa pakikipagusap sa kaniyang telepono. "Ma, aalis na po kami." paalam ko rito. Sandali niyang nilayo mula sa kaniya yong phone para balingan kami. "Sige, ingat kayo. Umuwi ng maaga, huwag magpapa-gabi." "Sige, ma. Bukas na po ako uuwi ng umaga." natatawang tugon ko rito. "Loko!" pailing-iling niyang ani. Natawa na lang ako dahil sa inasta niya. "Pasaway ka talaga. Sige na, umalis na kayo. Mag-iingat kayo, ha." Tumatawa lang si Angeline sa tabi ko habang nakikinig sa usapan namin ni mommy. Hindi din nagtagal ay nagpunta na kami sa bahay nila Janella dahil tinatadtad na nila kami ng chat. "Andiyan na pala sila, eh!" rinig kong sigaw ni Suzette mula sa loob ng bahay nila Janella. "Obvious ba?" sigaw pabalik ni Angeline. Sira talaga! Tumawa na lang ako at isinara yong gate. "Tara na ba?" tanong ni Janella. "Wala pa si Aly saka si Peren. Hintayin na natin." tugon ko habang nagtitipa ng message sa phone. -GOV- Kezi: Kailan ba tayo gagala? Lexi: Nangangati na akong gumala, abough! Si Makayla lang naman ang laging MIA. Ishtel: HAHAHA! Mag-set na lang tayo kapag active na lahat. Puro IA sila ngayon lalo na si Makayla, paniguradong busy yon sa buhay niya. Jana: Bahala siya. Nagtatampo na ako. Palagi siyang wala, hilig mang-indian! Ako: Sorry, guys. Sa pasko, magkita-kita tayo. Ano, g? Lexi: Hmp! Make sure na sisipot ka na! Ako: Yes, boss! Ilang minuto ang lumipas ay dumating na din yong mga hinihintay namin kaya umalis na kami. Habang nasa biyahe kami ay puro chat naman ni Dylan ang bumulabog sa messenger ko. Dylan: Nasaan na kayo? Papunta na ba kayo? Chat ka na lang kapag nandito na kayo. Ako: Oo, sige. Sorry late reply. Malapit na kami. Malapit lang naman dito yong mall na pupuntahan namin kaya madaling bumyahe. Wala pang trenta-minutos ay nakarating na kami sa mall. Ang nagpatagal lang talaga sa amin ng kaunti ay yong traffic na malapit sa two-ways ng bayan dahil may ginagawang kalsada doon. To Dylan: Pre, andito na kami. Dylan: Sige. Nasa Soyabar kami, punta na lang kayo. Gaya ng sinabi niya, kami na mismo ang nagpunta sa kinaroroonan ng boys. Sa escalator pa lang ay natanaw na agad namin sila, si Josh ang unang nakapansin sa amin at siya na din ang nagsabi sa mga kasama niya na nandito na kami. "Ano, saan tayo?" pambungad ni Suzette sa mga ito pagkalapit na pagkalapit namin. "Kayong bahala, teka lalabas kami hindi tayo kasya rito." natatawang sambit ni Warren habang inaayos ang bag niya. "WOF na agad tayo!" pag-aaya nila Janella. Agad namang pumayag yong iba kaya napagdesisyunan nilang unahin na ang paglalaro sa WOF bago gumala. "Una na kayo, may bibilhin lang ako saglit sa Dept. Store. Aly, samahan mo ako?" naalala ko kasi bigla na may bibilhin nga pala ako para sa relatives ko. "Oh, sige. Wala pa naman akong gana maglaro." Mabuti na lang at pumayag siya kaya matapos namin magpaalam sa mga katropa namin ay dumiretso na agad kami sa store. Pagpasok pa lang namin ay sumalubong na agad sa akin ang mga pagkain gaya ng chocolates, gummies, buscuits at kung ano-ano pa. Seriously, natatakam ako! "Wait, may sapatos doon oh. Tara, check natin." pag-aaya ko kay Aly. Isang flat shoes na parang top-sider style yong nakakuha ng atensyon ko. Kulay beige siya kaya naisipan kong bumili. Nagpakuha ako ng stock na size 6 para sa ate ko. Wala pa namang 1k yong price ng sapatos kaya carry pa ng bulsa ko. Kidding aside! Nang makuha ko na yong sapatos ay bumaba na kami ni Aly para maghanap naman ng ireregalo ko sa kuya ko, kay daddy at kay mommy. Napansin ko yong isang pillow na kulay pula for travelling. Naisip ko na madalas nga palang nagt-travel sila kuya at ang girlfriend niya kaya kinuha ko na din yon. Sunod ay napadaan ako sa Men's Clothes. Kukuha na sana ako ng mga shirt para kay daddy at kay kuya kaso saktong nag-ring yong phone ko. Mommy calling..... "Hello, ma? Bakit?" bungad ko rito. [Nandiyan sa mall ang kuya mo.] balita nito sa akin. "Eh, tapos?" nagtataka kong tanong. [Wala lang, share ko lang.] ani niya at bumuntong hininga. I even heard her chuckle from the other line. Napangiwi na lang ako at iginala ang aking paningin. "Ay, ma... naka-sale ang Dept. Store, may nakita akong magagandang damit para sana kay daddy. Ano ba ang size niya?" inangat ko yong isang damit na kulay Khaki para mas makita ko ito ng ayos. [Hay nako, andami ng damit dito ng ama mo, hindi naman naisusuot. Huwag mo ng bilhan ng damit, anak. Ako na lang.] tugon niya na hinaluan niya pa ng biro. "Madami ka na ding damit, ma. Hindi mo din po pinagsususuot." tumatawang sambit ko. Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. "Sige na, ma... ibababa ko na po. Bye!!! Loveyou." I bid. [Ingat. Ba-bye, I love you more!!!] I ended the call as I hang back the shirt on its stand. Habang naglalakad-lakad kami ni Aly ay naalala kong may pupuntahang kasal si mommy next month, at sabi niya sakin isang beses ay wala siyang maayos na lipstick para doon. Naisipan ko tuloy na dumaan sa L'oreal, sakto naman na naka-sale din sila kaya kumuha ako ng isang lipstick na 248 yong shade. Medium shade siya ng red na hindi masiyadong matte at may onting glitters. Kinda looks like a lip gloss, pero hindi. Halos isang oras at kalahati din siguro kaming naglibot ni Aly sa store hanggang sa naisipan naming bayadan na yong mga kinuha ko. Pagtapos ay dumiretso na kami sa WOF kung saan nandoon ang mga kaibigan namin. Ilang oras kaming nagtagal doon. Yong boys ay busy sa tekken, yong girls naman ay busy sa claw machine, at ako? Eto, nakaupo at nanonood sa kanila. Masama ang pakiramdam ko kaya hindi ko magawang makisakay sa kanila. Pero paminsan-minsan ay nakikitawa at nakikisali din ako lalo na kapag ang nilalaro nila ay yong kukuha ka ng tickets. Nag-KTV din kami sandali. Hanggang sa nagkayayaan na kaming umuwi. "Makayla, samahan mo nga ako. Magpapa-henna ako." biglang sambit ni Dylan. "Sige, tara." Bumaba kami sa ground floor at ipinalagay niya ang baybayin ng pangalan niya. Minutes have passed, napansin kong malapit ng mag-5:30 sa oras ng phone ko. Past 5 pm na din kasing natapos magpa-henna si Dylan dahil nagpunta kami rito magpa-5 pm na. That explains kung bakit kami inabot ng almost 5:30 pm dito. "Salamat, pre!" ani nito sakin. "Ikaw? Hindi ka magpapalagay, Makayla?" tanong ni Warren. Umiling lang ako sa kaniya at tumawa. "Ayoko. Kawawala-wala pa lang nong sakin, eh." sambit ko habang tumatawa. Nagpalagay din kasi ako dati noong kasama ko si Nathalie, ngayon lang ulit luminis yong balat ko kaya ayoko munang magpalagay ulit. Umuwi na agad sila Warren pagtapos magpa-henna ni Dylan. Naiwan naman akong kasama si Peren dahil naisipan kong bumili muna ng pabango para kay daddy at kuya. Hindi na kami naglibot-libot pa ni Peren, pagtapos kong bilhin ang mga gusto ko ay dumiretso na din agad kami ng uwi. "Salamat, Peren! Ingat ka." I smiled at her bago ako bumaba sa cab. "Ingat ka din!!" Hinintay ko munang mawala sa paningin ko yong cab at saka ako tumalikod para maglakad na pauwi. I enjoyed this whole day, I just hope na maging masaya din ang buong Christmas break ko. *******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD