Kabanata 33

1369 Words
Pabalik-balik ang tingin ko sa gamit ko at sa wristwatch ko. Tarantang-taranta ako habang nag-aayos ng gamit, for pete's sake kailangan ko ng maipasa 'yong terms na pinagawa samin. Alright, I was so stupid to slip the papers from my hands, nalaglag kanina sa basang sahig kaya kinailangan kong umulit. Madalian kong sinakbit ang bag ko, lakad-takbong tinungo ko ang hallway patawid sa may field. Bakit ba kasi nasa kabilang building 'yong office nong prof. namin dito? Ghad! I didn't mind my hair, bumabagsak na 'yon mula sa pagkakatali. "Makayla, san punta— bakit ka nagmamadali?" humahangos na tanong ni Jarvis, nakasalubong ko sya. Nakarating kami sa tapat ng office nong terror prof. namin. "Terms..." habol-hiningang sambit ko. I took my handkerchief from my bag, inayos ko muna ang sarili ko. "Terms?" he asked. "Bakit ka nagmamadali?" nagtatakang tanong nya. "Malalate ako ng pasa... terror pa naman may hawak samin dito." I heaved a sigh. Kumunot ang noo nya. "Late? Wala si sir, may emergency daw kanina kaya maaga syang umalis. Kahit bukas na lang daw ipasa 'yan..." My lips parted, so nagpakataranta ako para lang malaman na wala ngayon si sir? What the—?! I frustratedly messed my hair. "Ghad." I rolled my eyes. "Whatever. Anyways, thanks." I was about to walk away, kaso pinigilan nya ako. "Kakain sana ako, sama ka na lang." pag-aaya nya. I glanced on my watch, maaga pa naman. Tumango ako sakanya, sabay na kaming naglakad. I took my phone, hindi pa rin nagrereply si Josh. Nagchat ako sakanya nong umaga, hanggang ngayon ay wala akong narereceive na reply. I checked his active status, 8 minutes ago. I clicked my tongue, kakausapin nya lang ako pag gusto nya? Ganon ba? Fck it. Napailing na lang ako, pilit kong sinasabi sa sarili ko na baka busy lang sya. Ako: Boo, lalabas ako kasama ko si Jarvis. Kumain ka na maya-maya, wag kang magpapalipas ha. Ingat ka lagi! I love you. "Nagchat sila Jarred, susunod daw sila satin." sambit ni Jarvis. "May ipapasa lang daw sila." I nodded. "Sinong kasama ni Jarred?" kunot-noong tanong ko. "First gens." he winked. My jaw dropped, makakasama ko na 'yong first gens. sa hood namin! "Seryoso ba?!" excited kong paninigurado. He shrugged. "Who knows?" tugon nya, tumatawa. "The eff?!" I hissed. "Paasa!" He pats my head, nagulo nanaman ang buhok ko. "Pupunta sila kaya tara na, bagal mo maglakad!" he quickly grabbed my wrist and pulled me. Tumakbo na sya, malapit lang naman 'yong sinasabi nyang lugar. Bumaba ang tingin ko sa pulsuhan ko, pasimple kong hinatak 'yon. I don't let any guy hold me, Josh is the only exemption... syempre, boyfriend ko 'yon. Pati na rin si Jarred, pinsan ko 'yon eh. Napansin kong hahawakan nanaman sana ako ni Jarvis pero umilag agad ako. "Tara na sa loob." nauna na akong lumakad papasok, it's a burger shop. Simple lang sya pero ang ganda tignan, gusto ko 'yong ambiance ng lugar na 'to. Pagkaupo namin ay binuksan ko na ulit ang phone ko, online na si Josh pero wala pa ring reply. Nagchat ulit ako sakanya, kung ano-ano na lang ang sinabi ko para lang makuha ang atensyon nya kaso lumipas ang mga minuto na wala pa rin syang reply. Maya-maya pa'y offline na ulit sya, hindi manlang ako nireplyan kahit isa. I closed my fist, ilang linggo na syang ganito. Lalo pang dumalas ang mga away namin, sinusubukan ko naman syang intindihin parati kahit paulit-ulit na lang ganito kaso ang sakit. I'm losing myself just so I could make him stay... Hindi naman kasi ako ganito, hindi ako tanga eh. Alam ko kapag may mali na, kaso pinipilit ko pa rin isipin na wala lang 'yon. Fvck it! Dumating na sila Jarred, hindi ko na nagawang sumaya at magcelebrate samantalang plano ko kanina ay magpakasaya kasi magkakasama na kami ngayon ng first gens. They ordered foods, si Jarred na ang umorder ng sakin. Kumuha rin sila ng bucket ng smirnoff saka heineken. Wala akong planong uminom lalo na't wala ako sa bahay, pero may kung anong humatak sakin para kuhanin 'yong isang bote ng heineken. I took a straight shot of it, umiinom na rin naman 'yong iba eh. Tumabi sakin si Nadia, she was talking about stuffs na sinasabayan ko na lang. Lumipas ang mga oras, puro kwentuhan ang naganap. They are so fun to be with, kaso pakiramdam ko'y tipsy na ako. Damn! May pasok ako bukas. Buti na lang at nagkaayaan ng umuwi, hinatid ako ni Jarred sa bahay. Sumalubong samin sila Lazh, pansin kong nagtataka pa sila kung bakit ako umuwing ganito. I tried to compose myself, hindi ako pwedeng maabutan nila mommy na ganito ang lagay. "Lazh, sunod ka sakin sa kwarto." bumaling ako kay Jarred. "Thank you, pula." I nodded. Dumiretso ako sa bathroom ng kwarto ko, I took a warm bath bago ako lumabas. Naabutan ko si Lazh na nakahalukipkip habang nakatitig sakin, animo'y sinusuri akong maiigi. "Bruh." I bubbled my cheeks, gasping for an air. "Saan ka nagpunta kanina? Usapan, sabay tayong uuwi parati ah. Nakita kitang nagmamadali kanina papunta sa kabilang building, anong ganap mo teh?" sunod-sunod nyang sambit, akala mo may humahabol eh. "Kalma." I chuckled. Umupo ako sa tapat ng vanity table, I did my night routine. "Ipapasa ko sana 'yong terms kanina kaso wala na pala si sir, 'di naman ako aware na may emergency sya. I forgot to message you, mahalaga goods ako." I shrugged. "Goods ka? Talaga?" she sarcastically asked. "Di halata, teh." she rolled her eyes. Bumagsak ang kamay ko sa kandungan ko, I heaved a sigh. "Ilang linggo na kaming nagkakalabuan..." I uttered, I faked a chuckle. "Hindi ko lang maintindihan kung bakit umabot sa ganito... bakit nagkaganito kami?" I shook my head "Sign na 'yan..." she stated, kumunot ang noo ko. "Magbre-break na kayo." Dumapo ang kamay ko sa vanity table, I grabbed a brush at ibinato 'yon sa gawi nya. "Gaya mo pa kami sa inyo nong ex mo." I uttered a cuss, humagalpak agad sya sa tawa. "Baka busy." she shrugged. "Mahalin mo muna sarili mo, ilang linggo na kitang napapansin na ganyan... ibang-iba ka na sa dating masiyahin na Makayla eh." I heaved a sigh. "Di ko na alam gagawin ko...." I clicked my tongue, umiinit na ang sulok ng mga mata ko. "Di ba ako sapat?" I chuckled, tumulo ang luha ko. "Teh..." she went to me, niyakap nya agad ako. "Tangina...." I hissed. "Nakakapagod na." Maya-maya pa'y nagbeep ang phone ko, nagchat si Josh. I checked the time, it's already 10pm. I sarcastically laughed, ngayon lang sya nagkaron ng time na kausapin ako? Katawa. Josh: Baby sorry ngayon lang, busy ako kanina eh. My jaw clenched. Busy? Samantalang nong nagopen ako ng ML kanina, playing sya. Nice. I just wanna know why the fvck is he lying to me? Ako: It's okay. Kumain ka na ba? Magpahinga ka na kung wala ka ng gagawin ha. I tried to act as if everything's alright. Kinakausap ko pa rin sya na para bang okay lang sakin lahat ng ginagawa nya, when in fact... I'm slowly breaking into pieces. It feels like a fvckin' dagger piercing my chest, sobrang sakit. Josh: Kumain na po ako. Kumain ka na ba? Ako: Tapos na po. I miss you... It took him a minute before replying, baka may ginawa? I don't know. Josh: I miss you too. Ay, boo what time ka matutulog? Mapakla akong napangiti, alam ko na kasunod nito. Magpapaalam syang maglalaro na. Ako: Maglalaro ka na ba? Josh: Opo... Hindi agad ako nakapagreply, pakiramdam ko'y bumigat ng husto ang dibdib ko. Matagal ko syang hinintay magreply kasi baka busy sya kanina, bago nya ako chinat naglalaro na sya eh. Tapos ngayon maglalaro nanaman sya? Boring na ba akong kausap? Potcha! Kung busy sya, might as well tell me... para naman aware ako kung may hinihintay pa ba ako o wala na. Ako: Sige. Laro well po... goodnight! Josh: Goodnight! I love you. My tears fell. Hanggang salita na lang ang 'i love you' ngayon, bakit hindi ko na nararamdaman na mahal nya pa rin ako? Pagod na ako... Ako: I love you. I love you so much.... ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD