Kabanata 87

1099 Words
Kabanata 87 Nakahalumbaba lamang ako't naghihintay ng makakasama. Lahat ng mga kaibigan ko ay bumibili ng pagkain, habang ako nama'y puro tubig lang ang iniinom. Wala talaga akong ganang kumain sa 'di ko mawaring dahilan. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na ang mga hinihintay ko. "Ikaw, Makayla? Hindi ka na naman ba kakain?" kunot-noong pagtatanong sakin ni Suzette. Umiling lamang ako at napangiwi nang itulak niya palapit sa akin yong french fries. "Ayoko..." agad akong nag-iwas ng tingin. Napatigil ang paningin ko sa may entrance ng canteen kung saan nandoon sila Jed. Pumasok sila at sandaling tinapunan ng tingin ang puwesto namin bago dumiretso sa pila. "Napaka-alat nong fries nila ngayon!" halos masuka-sukang puna ni Suzette habang nakalabas ang dila. Bahagya akong natawa at umayos ng upo. "Anong flavor ba yong binili mo?" tanong ni Angeline gamit ang mala-ipis niyang boses. I bit my lower lip to prevent myself from laughing. "Plain. Pero binudbudan ko ng kaunting asin." tugon naman nito. Napunta sakaniya ang tingin ko na kanina lamang ay nakatuon kay Angeline. Taas-kilay kong sinalubong ang tingin ni Suzette. "Nagrereklamo kang maalat, eh asin pala yong nilagay mo diyan. Sabog ka ba?" nagtatakang tanong ko rito. Para kasing ewan, hay nako! "Hindi kasi! Kaunti lang naman yong nilagay ko pero sobrang alat na agad." patuloy niyang pagrereklamo. Napailing na lang ako at hinayaan siya sa gusto niya. May pinaglalaban na naman kasi, eh. "Kahit na ba! Asin pa din yong nilagay mo, magtaka ka kung matamis yan diba?" nakangiwing tugon sakaniya ni Angeline. Ayan na naman yong boses niyang ipit. Kung hindi ko lang tinakpan ang bibig ko ay baka kanina pa akong sumabog sa katatawa rito. "Ano bang nangyari diyan sa boses mo?" puna ko rito na mediyo ginagaya pa yong boses niya. Agad siyang napasimangot habang ang mga kaibigan naman namin ay tawa lang nang tawa. Sandali kaming napatigil sa pagtatawanan nang lumapit sa amin yong boys. Umupo sila sa iisang table kasama namin kaya't mediyo natahimik kami. Baka kasi kapag nagpatuloy kami sa pag-iingay ay mairita sila. Knowing these boys? Seryoso sila sa buhay, eh. Kung mag-aasaran at lokohan 'man sila, sila-sila lang yon. Siyempre, boys' talk and boys' things. Though, kung gugustuhin naman ay kaya namin silang sakyan sa trip nila. "Makayla, natahimik ka yata?" puna ni Janella. Inangat ko ang aking tingin at doon ko napagtantong lahat ng atensyon nila ay nasakin. Pasimple kong sinamaan ng tingin si Janella na agad niya namang ikinatawa. "Oo nga, Makayla? Ano nga ulit yong sinasabi mo kanina? Ah, Angeline... 'yong boses mo raw ano?" pang-aasar ni Nika. Ngumiwi na lamang ako't napailing. Tinaasan ko sila ng isang kilay at sinenyasang ibaling sa iba ang kanilang tingin. Naiilang ako, for pete's sake! "Bakit ka ba natahimik?" biglang pagsingit ni Dylan. Mas lalo tuloy napatuon sa akin ang atensyon ng buong tropa kaya't mas nailang ako. I just shook my head. Hinawi ko yong bote ng tubig ni Suzette at uminom. Tuyot na tuyot na ang lalamunan ko sa sobrang pagka-ilang. "Wala... sumakit lang lalamunan ko." tumatawa kong tugon rito para naman maniwala sila. "Ahhh.... 'yon naman pala." tanging sambit nila at nagpatuloy na sa pagtapos ng kanilang kinakain. Habang kumakain sila ay patuloy lamang ako sa paglalaro nitong bote ng tubig sa aking kamay. Si Nika ay nagbabasa na ng pop fiction na libro dahil tapos na siyang kumain. Hindi naman kasi siya malakas kumain kaya't hindi niya nauubos palagi ang pagkain niya. Sila Suzette naman ay mababagal lang talagang kumain kaya't hanggang ngayo'y nasa harapan pa nila ang mga pagkain nila. Binalingan ko naman ng tingin yong boys, busy pa din sila sa kanilang kinakain. Paminsan-minsa'y nag-aangat ng tingin si Dylan sa labas ng canteen, minsan naman ay ginagala niya lang ang paningin niya. Si Warren nama'y kahit isang beses ay hindi inalis ang paningin sa kaniyang pagkain. Tapos nang kumain si Jed at kanina ko pang napapansin na titig siya nang titig kay Suzette. I bit my lower lip para mapigilan ang aking sarili sa pagtili. The way he looks at Suzette is something that every girl in this world would ask for. I mean.. for once let's admit it, we need a man who will stare at us as if we're the only woman in his world. Nang maka-get over na ako sa titig ni Jed kay Suzette ay binalingan ko naman ng tingin si Josh. Animo'y may tumambol sa aking dibdib at bigla na lamang itong kumabog nang pagkabilis-bilis sa 'di ko mawaring dahilan. Hindi ko inasahang nakatingin din pala siya sakin. Sa kabila nang madilim na puwesto nila ngayon ay nagawa ko pa ring salubungin ang mga mata niyang nasa likod ng kaniyang salamin. Siguro'y parehas kami ng trip ngayon- ang pagmasdan ang mga katropa namin. Tapos na din naman siyang kumain at ngayo'y nakataas ang dalawang kamay niyang magkasiklop sa lamesa. He's staring at me with his deep black eyes behind his eyeglasses. Mediyo nailang ako kaya't pasimple akong nagtago sa likuran ni Aly. I cleared my throat and fixed myself bago ako muling umayos ng upo. Halos mapatalon naman ako nang hampasin ni Nika nang pagkalakas-lakas ang mesa. "Nika!" saway nila Angeline dito. Agad namang nahiya si Nika at napatingin sa kaniyang paligid, halos lahat ng tao sa canteen ay nakatingin sakaniya. Pasimple kong nilingon si Josh, napatingin din siya kay Nika ngunit saglit lang. Mabilisan kong iniwas ang paningin ko sakaniya at itinuon na lamang iyon kay Nika. "Para kang ewan, ano bang nangyari sayo?" tanong ko rito at tinignan yong hawak niyang libro. "May nabasa kang part na nakakakilig 'no?" "Wala!" impit niyang tili. "Pero may nakita akong nakakakilig...." patuloy niya na naging dahilan para lumingon sakaniya sila Suzette. "Ano? Yong kay Suzette at Jed? Kanina pa kaya..." nakangiwi kong sambit. Late na naman siya sa balita, susko! "Hindi!" pailing-iling niyang sambit at nakipagtinginan pa kayla Suzette. Halos bumagsak ang balikat ko nang mapagtanto kong nagkakaunawaan silang apat- Nika, Reigne, Angeline at Suzette. "Matindi!" tanging nasabi ko na lamang at nilingon sila Janella. Obviously, wala din silang kaalam-alam sa nalalaman nitong mga katabi ko. "Kinikilig ako, Makayla!!!" halos mapasigaw nang tili ni Suzette. I just shook my head and shrugged my shoulders at them. "Ewan ko sa inyo..." I clicked my tongue inside my mouth and stood up. "Tara na." Habang naglalakad kami pabalik sa room ay hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko yong tingin ni Josh kanina. Anong meron? Bakit kinikilig ang mga kaibigan ko? Dahil ba kay Jed at Suzette? O may hindi ako alam na alam nila? Damn.... ang daya nila! Hmp. ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD