Kabanata 47

1214 Words
"Hala! Ano nga ulit 'yung formula nito?" "Andaming kelangang gawin, jusko!" "Basta sa Lunes na ako magpapasa niyan." "Tongks! May ESP pa, uy!" "Langhiya, oo nga pala!" Nakatingin lang ako sa mga kaklase ko na wala ng ibang ginawa kundi ang magreklamo. Maraming kailangan gawin at ipasa, pero ayan sila, puro reklamo imbis na gumawa. "Eh kung sinisimulan niyo na sana ngayon imbis na puro kayo reklamo, baka may matapos pa kayo." suhestiyon ko sa kanila habang inaayos ang salamin ko. Napatingin naman agad ako kay Jayrus na nakatingin din pala sa akin. Bigla siyang tumango saka tumawa. "Oo nga, guys! Para kayong mga ewan, hay nako!" natatawang patuloy ni Jayrus sa sinabi ko. "Kasi naman, 'bang hirap aba!" nakangusong sambit ni Angeline. "Akina nga, alin ba diyan?" tumayo ako at saka lumipat ng upo sa tabi niya. "YOWN!" 'yung kaninang nakasimangot niyang mukha ay agad namang napalitan ng ganado at masayang itsura. Napailing na lamang ako at saka tinignan ang papel niya. "Aly, halika nga rito. Ano daw formula nito?" hinatak ko si Aly palapit sa amin at ipinakita sakaniya 'yung papel. "Photomath niyo na lang." kunot-noong sagot niya sa amin habang tinitignan 'yong papel. "Langhiya." natatawang ani ko rito. Itinulak ko na siya nang marahan paalis habang tumatawa, sinabayan niya naman 'yong pagtawa ko at saka siya bumalik sa tabi ni Angel. "Joke lang. Ito oh, cancellation lang naman 'yan. Pero i-factor mo muna 'yung three terms na denominator." paliwanag niya kay Angel. Tumayo ako at pinaupo siya doon sa kaninang puwesto ko. Habang nagpapaliwanag siya ay sakto namang may tumawag sa akin. "Bakit?" tanong ko kay Aaron na hinahampas na 'yung desk niya. "Ano 'to?" tanong niya sa akin na animo'y hirap na hirap na sa ginagawa habang itinuturo 'yong papel niya for Elective. "Jusko! Statement lang 'yan, ah." sagot ko rito habang tumatawa. Nang mapansin kong mas naguluhan siya ay agad kong hinatak ang isang upuan sa tabi ko at saka naupo sa tabi niya. Binasa ko 'yung statement sa papel niya at saka nagisip ng pwedeng gamiting term para masimulan 'yong essay niya. "About computer. Nahihirapan ka lang naman kasi masiyadong mahaba at malalalim 'yung terms, pero kapag inintindi mo 'yung statement madali mo nang magagawan 'yan ng essay. Go na." pinakita ko sakaniya 'yung papel at saka ipinaliwanag ang statement. "Hala, ayon lang 'yun?" gulat niyang tanong. Natawa na lang ako at saka tumango. "Thank you!" mahabang lintaya niya. Nginitian ko na lang siya at saka naglakad patungo kay Janella. "Teah, samahan mo nga ako sa baba. Nagugutom ako." nakangusong pagaaya ko sakaniya. Nagayos muna siya ng sapatos at saka ako hinawakan sa balikat. "Tara." Habang naglalakad kami pababa ay inangat ko ang uniform ko. "Ang luwag ng palda ko!" angal ko habang ini-aangat ang blouse para mahatak ko pataas ang palda. "Wali! Ok lang 'yan" tumatawang tinapik niya ang balikat ko. Napakunot na lang ako ng noo at saka nagpatuloy sa paglalakad. "Hala, Makayla! Si kuya Jace, oh!" napatingin agad ako sa tinitignan niya. Wala na, buo na ulit ang araw ko. Ang gwapo talaga, shems! "Poste." biglang sambit ko habang nakatitig sa kaniya. Mula sa canteen ay napansin kong napatingin sa may bandang gawi namin si Jace. Naging crush ko si Jace noong first year high school pa lamang ako, at siya ay third year high school. Sakto pa na ang pinsan niyang babae ay bestfriend ko simula grade 1. "Ang tagal na pala simula no'ng nagkagusto ako diyan." napapailing kong ani habang nakangiti. "Huh? Wait." napatingin ako kay Janella na biglang napabilang. Nang matapos siyang magbilang ay gulat siyang tumingin sa akin. "OHSH---!" sabay na lang kaming natawa. Nang makarating kami sa canteen ay bumili na agad kami ng pagkain. Napatingin ako sa gawi ni Jace na nakikipagharutan na ngayon sa girl bestfriend niya. Ang swerte ni ate Gellay. Napapatawa niya 'yong tao na gusto ko, samantalang ako, eto, tamang tingin na lang. Tamang ngiti na lang tuwing ngumingiti siya. "Oh, Milkita." inabutan ako ni Janella ng lollipop na milkita kaya't tinanggap ko ito. Nang maisubo ko na ang lollipop ay akmang itatapon ko na sana ang balat nito pero napatigil ako nang saktong magtapon din si Jace rito. "Ah." tanging nasambit ko. Tumango na lamang ako rito at saka naglakad na pabalik sa room. "Grabe, nagkatinginan kayo kanina nang malapitan?" manghang sambit niya. Natawa na lang ako at saka tumungo para abutin ang bag ko. Dinampot ko ang suklay ko at saka nagayos ng buhok. I shrugged my shoulders before looking at Reigne na sobrang busy sa pagtingin sa chapters no'ng binabasa niyang libro. "Baka doon lang sa pader na nasa likod ko." umiiling kong sagot sakaniya. "Makayla, tanga lang?" bumaling ako kay Janella at napangisi na lang sa sinabi niya. I stood up and walked towards Reigne. "Bakla!" tinapik ko ang balikat niya kaya't napatingin siya sa'kin. Hindi bakla si Reigne, nasanay lang talaga ako sa term na 'bakla/vakla'. Blame Kevs for that. Nahawaan na ako ng baklitang 'yon! Jusko. Si Reigne ay ang pinsan ni Jace na bestfriend ko simula elementary. Well, karamihan sa mga kaibigan ni Reigne ay 'Yeng' ang tawag sakaniya. She's Reigne Katherine Smith. Magaling sumayaw, kumanta and tumugtog ng gitara. She's one hella 'almost perfect' gal. "Oh?" abalang pagpansin niya sa akin. Binabasa niya kasi 'yung libro na hawak niya mula pa kanina. "Ano 'yan?" pinagmasdan ko ang librong hawak niya pati 'yung part na binabasa niya. "No one will know? 'Yung kay beeyotch!" gulat kong sambit. "Yezzer." isinara niya ang libro at saka ini-angat upang mas makita ko. "Naks! Nagbabasa na rin siya ng ganon." natatawang pagpuri ko rito. Tumawa na lang din siya at saka nag-ayang kumain. Kain na naman! Kaloka. "Kakakain ko lang, baliw!" natatawang singhal ko rito. 'Di pa din siya nagpatinag at hinatak na ako palabas. "Uy, san kayo pupunta? Sama ako." biglang sulpot ni Nathalie sa harap namin. "Kakain." maikling tugon ni Reigne. Habang pababa kaming tatlo ay nakasalubong namin ang pinsan ni Reigne. 'Yung room kasi namin ay nasa third floor, pinakaunang room, sa tabi no'n ay may cr for boys. Then, 'yung room naman ng pinsan ni Yeng ay nasa second floor. Katabi din ng cr pero pang-babae naman. Nang lumapit si Jace kay Yeng ay dahan-dahan akong naglakad patungo sa cr. Tutal nasa tapat lang din naman kami ng cr for girls. Naglagay ako ng kaunting liptint at saka nag-ayos ng buhok. Nang makuntento na ako sa itsura ko ay lumabas na ako at bumalik sa kaninang pwesto ko. Naguusap pa din si Jace at si Reigne kaya't naisipan kong maupo sa tabi ni Nathalie na nakaupo sa pangalawang step ng hagdan. Nag-usap na lang kami ni Nathalie habang hinihintay na matapos 'yong magpinsan sa pag-uusap. "Oo, 'yung grade 7 na transferee." natatawang sambit ni Nathalie. Tumawa na lang din ako at saka umiling. Saktong pagtingin ko ulit kela Reigne ay tapos na silang magusap. Pero bago 'yon ay napansin kong tumango ng ilang beses sakaniya si Reigne habang nakangiti at si Jace naman ay pasulyap-sulyap sa pwesto namin. "Tara, akyat na ulit. May pagkain nga pala ako." natatawang sambit ni Reigne sa amin kaya't wala sa oras na nabatukan ko siya. "Langya ka." natatawang sagot ko. •••••••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD