Kabanata 84

1817 Words
Kabanata 84 Inis na inis akong tumalikod at naglakad pabalik sa kwarto. Wala akong ibang nagawa kundi ang pabulong na magreklamo na lamang at pigilan ang pag-aalburuto. Tumungo ako para damputin ang string bag ko na nasa sahig nang biglang pumasok si mommy. "Makayla, huwag kang pasaway! Hindi ka mags-swimming." agad niyang pagbungad sa akin. "Pero matagal na nga kasi naming plano na mag-swimming, ma!" halos mapaos ko nang tugon dito. "Edi huwag kang sumama. Pagtapos ng exam, umuwi ka na agad." seryoso niya akong tinitigan ngunit napansin kong kaunti na lamang ay sasabog na siya sa inis. "Hindi yon pwede, ma! Ako ang nagplano ng swimming namin ngayon tapos di ako sasama? Ma, naman.... mags-swimming ako...." halos magmakaawa na ako sakaniya para lang payagan niya ako pero talagang walang sino 'man ang makatitibag sa kaniya. "OH SIGE, MAG-SWIMMING KA, PERO PAG NAGKASAKIT KA HUWAG KANG DADAING SA AKIN!" galit niyang sambit. Halos mabingi ako sa lakas ng kaniyang sigaw kaya't agad akong napaiwas ng tingin. Ayaw niya talaga akong payagan na mag-swimming dahil sa katatapos lang na ashfall. Pero hindi ko talaga pwedeng basta na lang i-cancel yong lakad namin ngayon ng tropa dahil matagal ko nang nai-set yon. "Tatlong araw na naman ang lumipas mula nong nag-ashfall, ma...." mahinang sambit ko, hoping that she'll finally let me swim. "Makayla, kapag sinabi kong hindi, hindi. Magtigil ka!" ani niya at saka tumalikod sandali. Hinila niya yong cabinet at inayos ang mga damit na nandoon. I heaved a sigh and silently hissed. Napairap na lang ako sa hangin at kumuha ng jogging pants pati fitted shirt na black sa aking damitan. Pagharap niya ay agad na natuon ang kaniyang paningin sa hawak kong bag kung saan ipinapasok ko yong damit na hawak ko. "Ang tigas ng ulo mo, Makayla. Sige, bahala ka sa buhay mo... pero wag kang aasang ipapagamot kita kapag nagkasakit ka." pagbabanta nito sa akin para itigil ko ang ginagawa ko. "Fine. Fine.... hindi ako mags-swimming pero sasama ako sa bahay nila Reigne. Magluluto na lang ako doon at manonood. Hindi na ako mags-swimming, don't worry." my eyes unmindingly rolled with my last statement. "Hindi mags-swimming...." agad syang ngumisi na animo'y hindi naniniwala sa aking sinabi. "May dala kang pamalit tapos sasabihin mong di ka mags-swimming? Sinong niloko mo, Makayla?" "Ma, jogging pants at shirt lang 'to. Wala nga po akong dalang underwear, alangan namang manghiram ako?" pagod ko nang sambit. Arguing with her is the most difficult thing to do ever. Sa huli ay wala na din siyang nagawa kundi ang maniwala dahil alam niyang hindi ako nanghihiram ng underwear sa kahit na sino. Atleast my excuse worked. "Tuloy tayo mamaya, ah?" rinig kong sambit ni Janella na nakaupo sa tabi ko. Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagrereview. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang exam namin kaya't hindi ko siya magawang lingunin. My brain isn't working right now, jeez! "Put everything away, we'll start the examination in a minute. Test cards at ballpen lang dapat ang makikita ko sa desk niyo." biglang pagpasok ng aming guro sa silid. Oh, damn! "Oh, please.... help me get over this one, Makayla." pabulong na sambit ni Janella habang inaayos ang kaniyang buhok. I just heaved a sigh and looked in front. Parang kailan lang noong nag-Christmas break kami. Christmas break na napuno ng sakit dahil sa sarili kong katangahan. Sobrang bilis ng panahon, ngayon ay last exam na agad namin for the third quarter. Samantalang last week lang ay dinaraos pa namin ang panibagong taon, and now.... argh! Hours have passed, nakaraos din kami sa aming examination week. Halos lumundag pa ako sa sobrang tuwa dahil sa wakas, makakatulog na ulit ako ng maaga. "Makakahinga na ako nang maluwag!" sigaw ni Suzette. Agad akong natawa at napailing. "Ay guys, una na kami ni Angeline, ah? Ipagpapaalam ko pa siya. Susunod na lang kami." "Osige, ingat kayo." tugon ni Reigne dito. Lumabas na sila Suzette at tanging kami na lang nila Reigne ang naiwan dito sa silid. "Tara na sa clubhouse, sayang ang oras." pag-aaya ko habang sinasara ang aking bag. "Oo nga, tara na...." pagsang-ayon ni Janella. Inakbayan ako nito at sabay na kaming naglakad palabas ng school. Hindi pa 'man kami nakakalayo nang biglang napahinto si Janella. "Hala, una na pala kayo sa clubhouse. May kukunin pa ako sa bahay." "Hindi, umuna na kayo sa bahay nila Reigne pagtapos niyong magpunta sa bahay niyo. Doon daw muna tayo bago magpunta sa clubhouse. Bibili pa din kasi kami ng ingredients sa grocery." tugon ko rito. "Yon, sakto! Sige sige, isasabay ko na lang sila Jayrus." ani niya na agad ko namang tinanguan. Nauna na kaming maglakad nila Reigne patungo sa grocery kasama ang boys. Si Warren at Dylan lang ang kasabay namin dahil umuwi muna sila Jed at Josh. "Excited na akong magswimming!!" sigaw ni Warren nang makarating na kami sa grocery. "Ako din, omg!!!" patiling tugon ni Gab dito. Natawa na lang ako at dinampot na ang mga kailangang bilhin. "Makayla, nasa labas na sila Suzette." biglang sambit ni Reigne na nasa tabi ko na pala. "Huh? Ah, sige sige... kamo sa ministop na sila maghintay." sambit ko. Bumaling ako sa dalawang lalaki na kasama namin. "Kayo din, doon muna kayo para di kayo mabored." "Ok. Punta kayo mamaya doon, ah?" paniniguro ni Dylan. Patawang tumango na lang ako at tinapik siya sa balikat. Nang makaalis na sila ay nagpatuloy na ako sa pamimili ng ingredients na kakailanganin ko. Hindi rin nagtagal ay natapos na ako sa pamimili ng ingredients. Kumuha ako ng dalawang Mr. Gulaman na unflavored, isang evaporada, condensada at Nestlé cream. Kumuha na din ako ng dalawang stick ng instant coffee saka dalawang sachet ng milo. "Ok na yong ingredients?" pagtatanong ni Reigne habang pabalik-balik ang tingin sakin at sa kaniyang cellphone. "Yup. Bayad na.... tara na ba? Sila Jed, nandiyan na?" nakatungong tanong ko rito habang inaayos ang isang supot ng ingredients na hawak ko. "Wala pa." maikling tugon nito. "Osige, tara. Chat niyo na lang, sabihin niyo dalian nila. Sayang oras, maga-ala una na.... saglit na lang kayo mags-swimming, sayang naman bayad niyo." Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ni Reigne nang biglang dumating yong mga katropa namin galing sa ministop na bahagya kong ikinataka. "Oh, bakit nandito na kayo? Akala ko ba susunduin ko kayo doon?" takang tanong ko rito. "Ang lamig sa ministop, jusko!" natatawang tugon ni Gab. Natawa na lang din ako at binalingan silang lahat. "Sila Josh na lang pala ang wala, noh? Chat niyo na." ani ko sa mga ito. "Wait..." biglang singit ni Warren na nakatingin sa kaniyang phone. "Kanina ko pa silang kachat, mamaya pa yata sila." "Oh, tara.... sabihin niyo sunod na lang sila sa bahay nila Reigne. Una na tayo." biglang sambit ni Angeline. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. "Osige, sige...." tugon nilang lahat. Biglang tumunog yong phone ni Suzette habang nakasakay kami patungo sa bahay nila Reigne kaya't napalingon ako rito. "Si Josh, nagchat.... uuwi na lang daw sila, iniwan daw kasi natin." mediyo natatawang ani nito. Napangisi na lang ako dahil alam kong biro lang yon. "Psh. Sila ang matagal eh. Sabihin mo pumunta na sila, tch." sambit ko habang nakamasid sa aming dinaraanan. "Joke lang daw, nakasakay na din daw sila." pinaghalong inis at tuwa ang nahimigan ko sa kaniyang boses kaya't natawa na lang din ako. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay nila Reigne. Pagpasok namin ay malinis na bahay ang sumalubong sa amin kaya't natuwa ako. Kaniya-kaniya silang naupo sa sofa at binuhay ang flatscreen nila Reigne. "Tito, magluluto ako..." ani ko sa tatay ni Reigne. "Nandoon yong lutuan, kuhanin mo na lang." tugon nito sa akin habang itinuturo ang lagayan ng mga lutuan. "Sige, tito... Reigne, pahiram ng damit." baling ko rito. "Tara sa taas..." tugon niya. Pagdating namin sa taas ay inabot niya sakin yong dalawang dri-fit shirt na pang-swimming. Isang pink at isang black yon. "Black na lang akin, Reigne." ani ko habang hinuhubad ang aking uniform. "Sige... ay, ano ba yan?! Sa kwarto ka magbihis, o sa cr. Bakla ka!" gulat nitong sambit. Natawa na lang agad ako't napairap. Parang di kami parehas babae, jusko! "Tapos na!" tumatawang sambit ko. Nilugay ko muna ang buhok ko. Naglagay lang ako ng kaunting pulbos at liptint bago ko siya niyayang bumaba na. Sakto namang dumating sila Jed. "Sexy naman po." puna ni Suzette. Tinawanan ko na lang siya at dumiretso sa kusina. "Suzette, lutuin mo na yong spaghetti. Sisimulan ko na 'tong coffee jelly." utos ko rito na agad niya namang sinunod. Sinimulan ko na ang paggawa ng creamer para sa coffee jelly habang nakasalang sa kalan yong gulaman na natimplahan ko na. Bigla akong napatingin sa orasan, maga-alas dos na pala! "Oi, una na kayo sa pool. Sayang ang bayad niyo kung saglit lang kayong mags-swimming." ani ko sa mga ito. Agad naman silang lumingon sa akin. "Ikaw?" tanong ni Nika. I just shrugged my shoulders and glanced on the wall clock. "Mga 2:30 susunod na kami nila Reigne doon." paniniguro ko. Tumango naman agad silang lahat at lumabas na ng bahay. Pag-alis nila ay madalian na naming tinapos nila Suzette yong niluluto namin. Ipinasok ko sa freezer yong creamer na ginawa ko bago ko hinango yong gulaman. "Ayos na ba yong spaghetti?" baling ko kay Suzette. "Patapos na." tugon niya habang tinitimplahan 'yong sauce. "Patikim nga ako..." I grabbed the spoon from her at tinikman yong sauce. Halos maidura ko yon sa sobrang pakla. "Gosh! Abot mo nga sakin yong asin saka paminta, Reigne.... pati na din pala yong asukal." Sandali kong tinimplahan yong spaghetti at ilang beses na tinikman. Nang sa wakas ay nakuntento na ako sa lasa ay ipinaubaya ko na ito kay Suzette. "Oh, magbibihis na ako. Pasarapin mo pa..." iniwan ko na sila doon ni Reigne para magpalit ng shorts. Damit lang kasi yong pinalitan ko kanina kaya't magpapalit pa lang ako ng shorts ngayon. "Tara na!!!" tili ni Suzette. Pagbaba ko ay saktong ayos na pala yong spaghetti. Kaniya-kaniyang bitbit na lang ang ginawa namin hanggang sa makarating kami sa clubhouse. Ilang beses pang kamuntik-muntikang malaglag yong spaghetti dahil mainit yong lagayan. "Nandiyan na sila Suzette!!!" rinig kong tili nila Dylan nang makarating kami. "Makayla, libre ko na yong entrance fee mo." biglang sambit ni Janella kaya't nagulat ako. "Legit?" tuwang tanong ko rito. Tumango naman agad siya at nagbayad nga. "Oi, salamat!!" Nagsimula na silang magswimming habang ako naman ay nakaupo lang sa gilid dahil natatakot ako sa sinabi ni mommy kanina. Baka magkasakit nga ako, ayoko non. Pero lahat ng takot ko ay agad na nawala ng maramdaman ko ang napakalamig na likidong bumagsak sa aking katawan. "DYLAN!!!" agad kong tili. "Ang lamig, takte ka!" Nagsitawanan naman agad ang mga katropa namin kaya't sa huli'y wala na akong ibang nagawa kundi ang lumubog na din sa tubig. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD