Kabanata 75
"Uh..." sambit ni Reigne. Tinaasan ko siya ng isang kilay habang nakahalukipkip.
"Hmm?"
"S-sorry...." she heaved a sigh. Pinigilan ko ang ngiti ko.
Maaaring nagtampo ako sakaniya noon dahil sa ginawa niyang pagtatago sa akin ng totoo. Pero kailangan kong tanggapin ang lahat. Si Jace? Lalaki lang yon, pero si Reigne? She's a girl.... she's an important girl. Kaibigan ko yan, eh.
"Sorry kung hindi ko sinabi sayo lahat. Natakot lang naman ako na masira yong kasiyahan mo, Makayla. Mahalaga ka sakin... sobra pa sa sobra." seryosong sambit niya. Napansin ko ang pangungusap mula sa mga mata niya. Napangiti na lang ako.
"Alam mo? Para kang ewan... ok lang yon. Masakit, pero kailangan kong tanggapin na 'di kami ang para sa isa't isa. At yong nililigawan niya? Masaya ako para sa kanila. Nakakalungkot isiping di kami puwede, pero tanggap ko yon. Kaya ko namang mag-move on, eh.... kakayanin ko." totoong ngiti ang binigay ko sa kaniya.
"Makayla...." she stuttered. Tinawanan ko na lang siya.
"Huwag kang iiyak!" dalawang kilay ang inangat ko habang tumatawa. Para kasi siyang naiiyak na ewan.
"Naman kasi!" ungot niya. Mas lumakas ang tawa ko. Animo'y naiiyak na ewan ang itsura niya, eh. Jusko!
"Ganito na lang..." nagseryoso na ako ngunit nakangiti pa din. "Sa inyo tayo magpractice bukas. Sabado naman, eh."
"Uy! Game... sige sige." she smiled. Mahirap buoin ang tiwala kaya't masakit kapag nasira yon. Pero in our case? We should believe that we can still make it up. Hindi naman lahat ng nasisira ay hindi na naaayos.
"Asan na ba yon? Ang layo naman kasi ng inikutan, aba!" reklamo ni Gab. Natawa na lang ako't napailing.
"Wait...." chineck ko ang phone ko, sakto naman na nagchat pala si Paulo.
Paulo:
Saan ba yan? Malapit ba dito?
Napakunot ang noo ko sa chat niya. Nagtipa na ako ng irereply sana ngunit may dumating agad na picture.
*Paulo sent a photo.*
Binuksan ko yong sinend niya. I showed the picture to Reigne, sabi niya doon lang yon sa kanto ng phase nila.
Ako:
Diretso ka lang. Kanto lang yan nitong corner nila Reigne.
Nag-seen lang siya sa reply ko. Napasimangot na lang ako sa ginawa niya. Di 'man lang nagreply hmp!
*sheeeez*
Saktong humangin kaya't maging ang buhok ko ay tinangay. I lifted up my head. May humaharurot na motor patungo sa gawi namin nila Gab.
"Yon! Si Paulo na ba yan?" rinig kong tanong ni Janella. Hindi ko na siya nagawa pang lingunin dahil nakatitig lang ako kay Paulo na nakangiti habang nakatutok ang paningin sa kalsadang dinaraanan.
"Siya yan...." seryosong tugon ko. Habang nakatitig ako kay Paulo ay nag-angat siya ng tingin. Sumakto yon sa mga mata ko. Napailing na lang agad ako at umayos ng tayo.
"Hay nako, Paulo! Ang tagal." I rolled my eyes at him.
"Wow ha!" tumatawang tinignan niya ako. Nginisian ko na lang siya at nanguna na ako sa pagpasok sa bahay nila Reigne.
"Practice na tayo!" sambit ni Lil.
"Sige, tara." tugon ni Janella. Umupo na ako sa tabi ni Janella.
"Yong phone ko?" tanong ko kay Gab na katabi ko.
"Wala sa aki— ay eto!" inabot niya sa akin ang phone ko.
"INUPUAN MO?!" my eyes widened.
"Di ko naman alam na nandito yan, eh." sagot niya sa akin. Nagbikit balikat na lang ako at nag-open ng messenger.
"Si Makayla di kumakanta!" biglang puna ni Paulo. Napaangat agad ako ng ulo at tumingin sa mga kasama ko. Lahat pala sila ay kumakanta na, ako na lang ang hindi.
"Ay, sorry!" natatawang sambit ko. Sinabayan ko na sila sa pagkanta. Hirap na hirap ako dahil sobrang pagpipigil ang ginagawa ko para lang 'di matawa. Nakakainis kasi si Paulo, nakatitig sa akin habang nakangisi. Aaminin ko, maganda talaga ang boses niya sa pagkanta. Pero, ako? Ok... sorry na. Chos!
"Kumanta ka!" nilapitan ako ni Paulo at tinawanan. Napangiwi na lang ako.
"Kumakanta ako, hoy!" tugon ko. Dinilaan ko pa siya kaya't mas tumawa siya. Siraulo talaga! Natawa na lang din ako at nag-iwas ng tingin. Hindi kami makakakanta ng ayos hangga't nakatingin ako sakaniya, panigurado.
Ilang minuto ang lumipas, nakaraming pasada na din kami. Nakasimangot na umayos ako ng upo at humalukipkip. Nagugutom ako....
"Paulo, pahiram ng motor." rinig kong sambit ni Suzette mula sa labas ng bahay nila Reigne. Napailing na lang ako nang maalaa kong naging crush nga pala ni Paulo si Suzette dati.
"Marunong ka ba?!" tumatawang tanong ni Paulo. Tumayo na ako mula sa sofa at lumabas ng bahay. Naabutan kong nakasakay si Suzette sa motor habang si Paulo ay pilit itong pinapaatras.
"Hindi nga, eh!" humalakhak si Suzette. Sila Janella naman ay natawa na lang din habang nakatingin sa dalawa.
"Edi umatras ka, ako magd-drive." sambit ni Paulo.
"Ay, sige sige! Tara bilis." dali-daling umatras si Suzette. Sumakay naman agad si Paulo at nilagay na ang susi. Maya-maya pa ay umandar na ang motor.
"Tecsoooon! Mahal ko pa buhay kooo!" rinig kong sigaw ni Suzette dahil sa bilis nang pagmamaneho ni Paulo. Natawa na lang ako nang bahagya kahit na naramdaman ko ang marahang pagpiga sa bandang dibdib ko.
Wala pang ilang minuto ay natanaw na ulit namin silang pabalik. Agad na naghiyawan sila Janella. Seryosong nakatitig lamang si Paulo sa kalsada habang may kaunting ngisi sa labi. Si Suzette naman ay animo'y sinabunutan dahil sa itsura.
"Ayieeeeee!" hiyaw nila sa dalawa. Bahagya na lang akong nakitawa at sinalubong sila.
"Pahiram ako, Paulo." sambit ko.
"Makayla, maawa ka sa motor ko...." umarte pa si Paulo na animo'y iiyak.
"Sira! Dali na, patry lang." marahan akong tumawa.
"Sige na. Oh..." bumaba siya sa motor. Agad naman akong sumakay doon. "Pag talaga ikaw sumemplang!"
"Tiwala lang!" natatawang sambit ko. Pinaandar ko nang mabagal ang motor. Sumabit pa ang paa ko kaya't mediyo gumewang ang motor.
"MAKAYLA!" natataranta nilang sigaw. Malakas akong tumawa dahil sa reaksyon nila. Lumingon pa ako, nakita ko si Paulo na nakahawak sa dibdib niya habang ang kaliwang kamay ay nakahawak sa likod ng motor. Kinakabahan.
"Ayusin mo nga, Makayla. Mali— bumaba ka na diyan. Baka mamaya matuluyan ka pa." kunot-noong sambit niya. Tumawa lang ako kaya't natawa na lang din siya.
"Chill lang kayo... teka." binalanse ko ang sarili ko pati ang motor. Binitawan na ni Paulo yong motor pero halatang nagdadalawang-isip pa siya. Dahan-dahan ko munang pinaandar yon. Nang mediyo nakalayo na ako nang kaunti ay binilisan ko na ang pagpapatakbo sa motor.
Mediyo naririnig ko pa ang mga boses nila na sumisigaw pero binalewala ko na lang yon. Actually, marunong naman talaga akong mag-motor. Nagkunwari lang ako na hindi ako marunong dahil paniguradong magpapaangkas yong mga yon.
Tinatangay nang malakas na hangin ang buhok ko kasabay nang mabilis kong pagpapatakbo sa motor. Masama ba kung aaminin ko na sa sandaling panahon na itinuon ko kay Paulo ang atensyon ko ay onti-unti ko na siyang nagugustuhan? Hindi naman siguro... Nagseselos ako tuwing nakikita ko kung paano niyang tignan si Suzette. Sana sa akin na lang... sana ako na lang....
"Ang bagal mo magpatakbo, Makayla." salubong nila sa akin. Ngumisi na lang ako at bumaba na.
"Bagal ba? First time ko, eh." I lied.
"Buti di ka sumemplang." tumawa na naman si Paulo.
"Ang hilig mo pong tumawa." inirapan ko siya. Tumawa ako nang magkasalubong ang mga mata namin.
"Kesa naman umiyak ako rito, diba?" pambabara niya. I just mimicked his voice na agad niya na namang tinawanan. Sana lagi ko siyang napapasaya....
"Bahala ka na nga diyan. Papasok na ako sa loob, nandoon na silang lahat." tinalikuran ko na siya. Napatigil na lang ako sa paghakbang nang magsalita siya.
"Baliw! Pero seryoso.... marunong kang mag-motor, akala mo di ko nahalata 'no? Sus! Mabagal nga lang. Pero ok na din yon, kaysa naman maaksidente ka pa." seryosong sambit niya. Nginisian ko na lang siya kaya't napangiti na siya.
"Kaskasero ka kasi kaya sa tingin mo mabagal yong pagmamaneho ko." pang-aasar ko na lang.
"Hindi, ah!" he denied while laughing.
"Ge, tanggi pa." kaskasero naman kasi talaga siya. Kung magdrive nakatodo lagi ang speed tapos di pa marunong magpreno.
Natawa na lang ako nang maalala ko yong time na tumigil siya tapos nakahilera sa harapan namin yong mga aso. Binilisan agad ni Paulo yong pagmamaneho non dahil hinabol kami ng mga aso. At the end, bumaba kaming dalawa na tawa nang tawa dahil sa sarili naming kalokohan.
"Oo na!" halakhak niya. "Tara na nga sa loob... andami mong napupuna, eh." hinatak niya ako papasok sa bahay. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa pulso ko. Hindi ko 'man lang namalayang napangiti na pala ako. Ang lambot ng kamay ni Paulo, grabe!
"Ikaw nga walang napupuna, halatang-halata na...." mahinang sambit ko. Tumawa lang siya kaya't napangiwi ako. Pero at the end, ngumiti na lang din ako.
Halatang-halata nang nagugustuhan na kita.... Paulo.
******