"I'm tired..." I heaved a sigh, sinalubong ako ni Josh ng mahigpit na yakap.
He chuckled. He brushed my hair using his fingers, planting soft kisses on my forehead. Nakakapagod 'tong week na 'to. Sobrang daming preparations para sa mga events na paparating, halos hindi na kami nakakapagpahinga. Isabay pa 'yong mga reportings sa bawat subjects pati ang nalalapit na examination week.
"Magpahinga ka muna, matulog ka ng maaga mamaya ha." he raised his brows at me. "Huwag ng pasaway..." he pinched my nose, napalabi ako.
"Bilis ng araw..." I uttered.
He shook his head. "Sakto lang, mukha lang mabilis dahil nagagamit natin bawat oras. Daming school activities, eh."
He sent me home, madalas nyang ginagawa 'yon. Kapag wala syang pupuntahan after class, hinahatid nya ako pauwi. Minsan nags-stay muna sya samin saglit, minsan naman umaalis na agad sya pagpasok ko sa loob.
The next day went the same, almost two weeks na kaming ganto. Paulit-ulit lang ang nangyayari, lahat kami ay abala sa dinami-raming activities. I crossed my arms, kanina pa akong nakatitig sa sahig.
"Oy, punta tayo mamaya kina Reigne." pagbasag ni Zette sa katahimikan.
Janella quickly shook her head. "Pass muna, aalis kami ng fam." she excused, ganon din naman sila Nika.
They turned their gaze at me, waiting for my answer. "Di ko pa sure." I shrugged. Magsasabi muna ako kay Josh, ayaw nya akong pagalain netong mga nagdaang araw eh. Magpahinga daw ako imbis na magpunta kung saan-saan.
"Anubayan! G na agad, Kayls..." animo'y batang usal ni Zette, I chuckled.
Napatayo ako nang mapansin ko si Josh, he looks pale and weak... maybe he's just tired. Nagpaalam muna ako sa tropa, nilapitan ko si Josh to check him out.
"Baby, okay ka lang?" I asked. Sinubukan kong idampi ang kamay ko sakanya kaso agad syang umiwas, kumunot ang noo ko. "Josh..." mariin kong sambit.
He heaved a sigh. "Okay lang ako, Kayls." he uttered. I shook my head, may mali eh.
He was about to avoid my hands again, I glared at him. "Let me touch you." he surrendered, hinayaan nya akong hawakan sya. Halos mapaso ako nang maramdaman ko ang init nya. "No, hindi ka okay... you're sick."
He pouted. "Uwian na naman, makakapagpahinga na ako..." he held my hands, staring at me. I pressed my lips as I turned my gaze at Zette, naabutan ko syang nakatingin din sakin.
"Pass muna ako." sambit ko. "May aalagaan lang akong pasaway, sinasakit na eh." sandali kong sinulyapan si Josh, lalong humaba ang nguso nya habang nakakunot ang noo.
"Nakuzer! Pagaling ka, hoy!" anito ni Zette sa pinsan nya, tumango lang si Josh.
Inayos na namin ang mga gamit namin bago kami nagpunta sakanila. Nong una ay umaayaw pa si Josh, pinapauwi nya ako para daw makapagpahinga na ako. Pero mapilit ako, I insisted to go to their house. Kapag hindi ako pumunta sakanila para alagaan sya, paniguradong 'di nya naman aalagaan ang sarili nya so I have to do this.
"Anong oras ka natulog kagabi?" I asked habang pini-prepare ko 'yong kakainin nya. He shrugged, nakaupo lang sya sa sofa habang pinagmamasdan ako.
He didn't speak, napairap na lang ako sa kawalan. Dumaan sa tapat namin 'yong tita nya, sandali nyang sinulyapan si Josh bago ako balingan ng tingin.
"Laging puyat 'yan kakalaro, pagtapos gumawa ng mga assignment at PT saka nagbababad sa cellphone. Inaabot ng alas-dose kakalaro." pailing-iling na pagsusumbong sakin nong tita nya, masamang tingin ang ibinaling ko kay Josh. Mabilis syang umiling na animo'y sinasabing huwag akong maniwala sa tita nya.
"Pagsasabihan ko na lang po..." bahagya akong ngumiti sa tita nya, tinanguan nya lang ako saka sya umalis.
Without looking at Josh, I finished preparing his foods. "Kumain ka na rito."
Agad syang lumapit. "Makayla..." he called me, 'di ko sya pinansin.
"Makayla..." he uttered again.
"Oh?" I asked without looking at him.
"Galit ka?" he asked, I didn't speak.
"Huy, galit ka?" tanong nya ulit na animo'y bata.
"Ubusin mo 'yang pagkain mo, magpahinga ka na maya-maya." sambit ko habang kumukuha ng tubig. Nilapag ko sa harap nya 'yong baso, akmang aalis na sana ako sa tabi nya nang hatakin nya ko pabalik.
"Galit ka." he pouted. "Sorry na..." he made a sad face, tila ba'y nagpapaawa sakin.
I raised my brows at him. "Kumain ka na... 'di ako galit." I pointed at his foods. "Ubusin mo 'yan, iinom ka ng gamot mamaya." I tried to remove his hands on my waist but he just tightened his grip.
"I love you..." he blinked his eyes a few times, animo'y nagpapacute. I bit the insides of my cheeks to prevent myself from smiling.
"I love you." I gave him a smack on his lips, napangiti agad sya. "Huwag ka ng pasaway ha, sinasakit ka na. Sige na, kain ka na... kukuha lang ako ng gamot mo." bahagya akong humiwalay sakanya, bumitaw na sya.
Humanap ako ng gamot, buti na lang at meron pa sa bag ko. I checked the time, it's almost 5pm. Mamaya ko na lang sya papainumin para sakto sa oras. I pulled the chair next to him, umupo ako sa tabi nya. Pasimple syang tumitingin sakin, nakatitig lang ako sakanya.
"Crush mo nanaman ako." he stated, nang-aasar.
Napairap na lang ako sa kawalan. "Asa ka! Napakahangin mo, zer." I laughed.
"Psh! Porket crush mo si—"
Tumikhim ako, magseselos nanaman eh. "Crush ko 'yong baby ko." I raised a brow, bumaba ang tingin ko sa pagkain nya. "Tapos ka na pala, akina... huhugasan ko na." I stood up and took his plate. Dumiretso ako sa sink para hugasan 'yon. I felt his hands around my waist, pilit syang sumisiksik sa may leeg ko.
"Maupo ka na don, magpahinga ka muna. Buti na lang weekends na ulit... magpahinga ka, huwag puro laro." I faced him, tapos na ako sa ginagawa ko.
Sinubukan kong bumitaw mula sa pagkakayakap nya kaso hinigpitan nya lalo 'yon, dinikit nya ang noo nya sa noo ko. I bit my lower lip, pakiramdam ko'y ako ang lalagnatin eh. Sobrang init ng pisngi ko, he's already my boyfriend pero iba pa rin ang epekto nya sakin.
"I love you." he uttered, nahimigan ko don ang paglalambing. My lips curved upwards, I gave him a smack before pulling away from his hug.
Umupo sya sa sofa, nakahalukipkip. Hindi ko sya pinayagang gumamit ng phone, lalong sasama ang pakiramdam nya 'pag gumamit sya non. I stood in front of him to check his temperature, nang mapansin ko ang orasan ay pinainom ko na sya ng gamot.
"Alagaan mo ko, ha? Lalagnatin ata ako...." he pouted. Pinitik ko ang noo nya, parang ewan kasi!
"Kawawa naman ang baby ko...." I chuckled. "Pakiss nga ako." bahagya akong lumapit, he was about to kiss me kaso lumayo agad ako.
"Epal!" he rolled his eyes, natawa na lang ako. I quickly gave him a kiss, baka magtampo pa eh.
"I love you."
Nabalot ng katahimikan ang pagitan naming dalawa, parehas kaming naubusan ng sasabihin. I crossed my arms as I think about so many things.
"Kayls..." he called.
I raised a brow. "Uh?"
"Hahanap ka pa ba ng iba?" he asked. Kumunot ang noo ko, nagtataka.
"Hindi na, syempre." tugon ko. "Bakit?"
"Kahit maraming kulang sakin?" he raised a brow.
I stared at him. "Kulang? Walang kulang sayo..." I shook my head.
He bit his lips. "Pano pag may nagkagusto sayo na ano..." sandali syang tumahimik, animo'y nag-iisip. "May abs tapos famous saka gwapo? Package, ganon...."
Agad akong napailing. "Ayoko non." humagalpak ako sa tawa.
"Eh pano kung—"
I cut him off. "Mahal kita." seryosong sambit ko. He took my hand, pinaglalaruan ang mga daliri ko. "Simula nong minahal kita.... wala na akong ibang gusto, wala na akong ibang hinahanap. Kung ano 'yong meron ka, kuntento na ako don. Kung sino ka, tanggap ko 'yon. Mahal kita, 'di na ako naaattract sa iba simula nong minahal kita. Alam mo yan, sinasabi ko sayo minsan 'yon..."
He clicked his tongue, animo'y nagpipigil ng ngiti. "Kahit 'di ako marunong kumanta, kahit 'di ako mahilig sumayaw, kahit hindi ako kasing talented nong mga nagustuhan mo dati?" he asked, taas-kilay.
I shook my head, tumitig ako sakanya. "Wala na 'yon... hindi mahalaga 'yon. Mahal kita, 'yon ang mahalaga." seryosong sambit ko. He wasn't able to control his emotions, napangiti na sya. He pulled me into a hug, natawa na lang ako.
"Huwag mo kong iiwan ha... huwag mo akong ipagpapalit." he whispered at me.
"Never." I assured him. "Mahal kita, 'di ko gagawin 'yong mga 'yon."
Nang masiguro kong okay na sya ay saka lang ako umuwi. Naabutan kong nag-uusap sila mommy sa salas, I don't know what to say, ayokong makaabala halatang importante ang pinaguusapan nila. Napansin ako ni kuya, lumingon sila sakin at pinalapit ako don.
"Sensya na po, medyo ginabi ng uwi." I sat next to daddy, don na lang kasi may space. "Ano pong meron?" nagtatakang tanong ko.
"How's school?" tanong ni ate. I shrugged, first time nya nangamusta about school.
"Nakakapagod, sobrang daming ginagawa." I turned my gaze at mommy, seryoso ang tingin nya sakin. "So.... anong meron?"
She heaved a sigh before glancing by my side, nagkatinginan sila ni daddy. "Aware ka naman na nahihirapan na sa paghawak ng business ang ama mo, diba?" she began. Kumabog ang dibdib ko, pakiramdam ko'y alam ko na ang kahahantungan nitong usapan na 'to.
I composed myself. "Opo." I gulped.
"Plano na naming umuwi sa Batangas, hahanap na lang kami ng bibili sa pwesto natin para makauwi na tayo." she explained. Animo'y recorder ang isip ko at paulit-ulit na nagreplay sa utak ko 'yong sinabi nya. Para makauwi na tayo. Kasama ako.... Damn!
"Ma..." my voice cracked, I want to beg so much para hayaan nya akong magstay dito. "K-Kelan?"
"As soon as may buyer na ang pwesto natin." she heaved a sigh. "You'll have to adjust, Kayls."
"No..." I shook my head. "L-Let me.... stay here, please?" I beg.
"Makayla..." sambit ni kuya nang mapansin nya ang pagpatak ng luha ko. I wiped it right away, nanatili ang tingin ko kay mommy.
"Please?" I bit my lips, preventing my tears from falling down. Kailangan ako ni Josh... I can't leave him like this.
"Makay—"
"Nay, sakin na muna si Makayla hanggang makatapos sya ng high school." seryosong sambit ni kuya. Agad akong nabuhayan ng pag-asa, I quickly turned my gaze at him.
Natagalan si mommy bago sumagot, si daddy na ang umimik. "Basta't siguraduhin mong hindi mo mapapabayaan ang pag-aaral mo, Makayla." seryosong paalala nya.
Napailing si mommy. "Iba pa rin kapag nasa poder ng magulang ang anak, lalo na't babae 'yang kapatid nyo..." sambit ni mommy kina kuya. So, it's obviously still on 50/50.
"Malaki naman na po 'yan, alam nya na po kung ano ang tama at mali." patuloy ni kuya sa pagdepensa sakin.
"Hindi pwede, ilang taon pa lang 'yan. Karamihan sa mga kabataan ngayon ay nagrerebelde, kung ano-anong pinaggagagawa. Intindihin niyo rin 'yong sinasabi ko, para din sa kapatid nyo 'yon." mahabang lintaya ni mommy, I'm slowly losing a chance.
"Trust me, I won't waste it.... Please? Let me stay..." I already showed my weak side, the situation is too much to handle.
"Makayla, pasok ka muna sa kwarto mo. Magpahinga ka na muna." baling sakin ni daddy.
Ayoko pa sanang sumunod, kaso tumango sakin si kuya na tila ba'y sinasabing makinig na lang ako. My tears fell as soon as I entered my room. I knew that one day this will happen, but I never expected that it will be as early as this. I took my phone and called Josh, it took him few minutes before he answered the call.
[Baby?] I heard his husky voice. Mariin akong napapikit. I'll miss his voice... I'll miss him.
[Baby....] he repeated. I didn't speak, gusto ko lang marinig ang boses nya. [Baby kong mahal na mahal ko....] paglalambing nya.
[Ah, ayaw magsalita aba...] he chuckled. [Pinagtritripan mo ata ako, Kayls...] I know he's pouting kahit 'di ko sya nakikita sa mga oras na 'to.
[Iloveyousomuch, Makayla.... nag-iisang baby ko na mahal na mahal ko.] I can sense that he's smiling right now as he utters those words.
[Mahal na mahal kita, kaya sana.... huwag ka ng mawawala sakin. Huwag mo akong iiwan kahit kailan.] his deep voice marks on my chest, nagsimulang tumulo ang mga luha ko. I'll be leaving soon....
[Ayokong mawala ka sakin kaya huwag mo akong iiwan kahit kailan, ha? Hindi ko kaya 'yon.... gusto kitang makasama habang buhay.] he heaved a sigh. [Iloveyousomuch, baby....]
I covered my mouth, ayokong marinig nya ang paghikbi ko. It feels like a dagger that slowly pierces my chest, sobrang sakit.
[Iloveyou.] I stated.
[I love you so much, Josh Gomez.... ] but I'll have to leave you soon... and I should let you go before I leave.
[Naglalambing ang baby ko....] he chuckled. [Mahal na mahal din kita. Matulog ka na, ha? Tulog na... goodnight! Sleepwell, Makayla.....pray bago matulog, wag kakalimutan.]
[I love you..... goodnight, b-baby.] my voice cracked. [Huwag mong kakalimutan 'yon....] kahit sa araw na wala na ako sayo.
*******