Kabanata 77

1328 Words
Kabanata 77 Tulala. Halos lahat ng mga kaklase ko ay busy sa kani-kanilang sariling mundo. Nakahalumbaba lang ako habang nakatingin sa kanila. "Guys, sa Friday na daw ija-judge ang bawat rooms. Dapat matapos na natin ang pagd-decorate hanggang Thursday." paga-announce ni Jayrus. Tumayo ako at naupo sa tabi nila Nathalie. Kailangan kong tumulong imbis na tumulala sa isang tabi. Wala na naman akong gana ngayon.... actually, araw-araw wala. "Makayla, bakit nakatulala ka?" biglang pagsasalita ni Nathalie. Napatingin agad ako sakaniya. Umiling na lang ako. Lumilipad na naman pala ang isip ko, haist. "Wala lang 'to. Ano pa bang gagawin? Akina, tutulungan ko na kayo." sambit ko. Binalewala ko na lamang ang nasa isipan ko. Nawawalan ako ng konsentrasyon nitong mga nagdaang araw. Dati naman ay hindi ako ganito. Tuwing may pasok ay ganadong-ganado ako, pero ngayon parang gusto ko na lang matulog magdamag. "Ito, oh. I-fold mo lang ng side to side para doon sa DIY christmas tree natin." tugon ni Paulo. I lifted my head and looked at him. "Sige. Lahat ba yan?" tanong ko. Kinuha ko mula sa kaniya yong mga plastic na kulay green. "Oo. Sabi nila Jayrus." tugon niya. Tumango na lang ako sakaniya at itinupi na ang mga plastic. "Ang boring...." maya-maya pa'y biglang sambit ni Nathalie. Halatang wala siyang gana habang tinutupi yong mga plastic na hawak niya. Bahagya na lang akong tumawa. "Kanta na lang kayo." suhestiyon ko. Mas ok kung sila lang ang kakanta, baka kasi bumagyo kapag sinabayan ko pa sila. "Ay, oo nga! Tara, game!" umayos siya ng upo. Sakto namang tumugtog yong kantang Binalewala mula sa mini speaker na dala ng mga kaklase ko. Ikaw na pala ang may-ari ng damdamin ng minamahal ko.~~ Bahagya na lang akong napangiti. Tuwing naririnig ko ang kantang 'to ay si Jace agad ang pumapasok sa isipan ko. Sobrang dami ko nang nagawa para sa kaniya noon, pero sa huli.... ibang tao pa din ang pinili niyang mahalin at makasama. Bakit kaya ganon, 'no? We keep on loving the person who can't love us back. Nakakat*nga lang.... "Wag na yan, ayoko niyan! Ano na lang.... kanta tayo nong about sa mga tao na bagay para sa isa't isa." biglang singit ni Nathalie sa kalagitnaan ng pagtugtog nong speaker. "Bagay tayo.~~" umayos ako ng upo at kinanta yong Bagay Tayo. "Di na 'ko magdadalawang isip kung gusto kita...~~" patuloy ni Nathalie. Tinawanan ko na lang siya. Bahagya akong lumuhod para maabot yong iba pang plastic. Napatingin ako sa kaharap kong si Paulo na busyng-busy sa pagtutupi. "Bagay tayo.~~" hindi pa din ako nagpatinag. Itinuloy ko pa din yong lyrics kahit alam kong hindi yong ang kasunod ng linyang kinanta ni Nathalie. Nagulat na lang ako nang tumawa agad si Paulo at mediyo tumingin pa sa akin. Siya na mismo yong nagtulak ng mga plastic patungo sa harapan ko kaya't hindi na ako nahirapan sa pag-abot non. "Bagay tayo, pero bagay ba kayo?" pagsingit ni Paulo. My jaw dropped as my mind became confused. "Huh?" mahinang tanong ko. Hindi ko naintindihan yong tanong ni Paulo. "Wala!" he exclaimed. Tumalikod siya sa amin at humarap sa kabilang grupo. "May gunting kayo? Pahiram nga ako..." "Bagay daw kayo, Makayla.... pagong ka na naman mag-isip." bulong ni Nathalie sa akin. Nanlaki agad ang mga mata ko. "WEH?! ETCHOSERA KA!!!" impit kong tili. Paasa talaga si Nathalie! Kapag talaga ako umasa sa wala, lagot sakin 'tong si Nathalie. "Oo nga, siya na mismo nagsabi!" tumatawang sambit niya. Gusto kong tumili sa kilig at maglulundag. Bakit ba kasi ang slow ko mag-isip? Yon pala yon! Humarap na ulit sa amin si Paulo nang matapos na siyang mag-gupit. "Ano nga ulit yon, Paulo?" tanong ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Bagay tayo, kami ba bagay? Hindi... sa isang tao lang naman kasi ako nababagay." I chuckled. Tumayo ako at dinilaan si Paulo na kunot-noong nakatingin sa akin. May kung ano pa siyang sinabi pero naglakad na agad ako patungo kay Reigne. Natawa na lang ako nang marinig ko ulit ang boses ni Paulo mula sa kabilang puwesto. "Nasisiraan ka na naman, Makayla. Kung ano-anong pinagsasasabi mo." tumatawang sambit niya. Napasimangot na lang ako. Pero sa huli'y tumawa ulit ako. "Luh? Hindi kaya! Ganda-ganda ko tapos masisiraan lang, sus!" binuhat ko na ang sarili kong bangko sa pagpuri sa sarili ko. Haller? 'Love yourself and appreciate your own beauty' nga daw, ika ng iba. "Hay nako, Makayla.... tigilan mo na yan." nakasimangot siyang tumingin sa akin. "Maupo ka na lang dito, tulungan mo akong gumawa nitong design na 'to. Hindi pa tapos, oh! Nako!" pailing-iling niya pang sambit. Tinawanan ko na lang siya. "Ayoko!" pagmamatigas ko. I heard him 'tsk'-ed kaya mediyo nabulunan ako sa pagpipigil ng tawa. Kunwari kasi seryoso na ako. "Isa....." nagsimula na siyang magbilang. "Oo na! Oo na! Pakurot muna ng isa.... tapos tutulong na ako." I grinned. Walang pagdadalawang isip na inilahad niya agad sa harapan ko ang braso niya. Abot hanggang tenga ang ngiti ko. I grabbed his arms and pinched it hard. Kanina noong kinurot ko siya ay dumaing agad siya ng 'aray'. Pero ngayon ay wala akong narinig na kahit anong reklamo mula sa kaniya. Nagawa niya pa ngang ibaba yong hawak niyang plastic at seryoso lang na tumitig sa akin. "Tapos ka na?" agad niyang tanong nang bitawan ko na ang braso niya. Ngumiti lang ako at tumango. "Tulungan mo na ako rito..." mediyo nakangiti niya nang sambit. Napatingin ako sa braso niyang kinurot ko. Aaminin ko, hindi magaan ang kamay ko. Hindi din naman ako mahinang kumurot. Sigurado akong nasaktan siya sa ginawa ko dahil sobra talaga akong nanggigil sakaniya. Madiin yong pagkakakurot ko sakaniya pero hindi siya nagreklamo. Bumaba ang tingin ko sa braso niya. Namumula at may bakat.... "Paulo, akina yang braso mo...." biglang sambit ko. Taas-kilay niya naman akong tinignan. Papatalo ba naman ako? Siyempre hindi! Tinaasan ko din siya ng isang kilay. "Kukurot ka na naman? Mamaya na, tapusin mo muna yan..." utos niya. Mas nilapit niya pa sa akin yong mga materials na gagamitin namin. Umiling agad ako sakaniya. "Hindi na... saka na ulit ako kukurot. Akina muna yong braso mo." inilahad ko ang kamay ko para doon niya ipatong yong braso niya. Nagtatakang tumingin naman siya sa akin. "Para ba sa—" ang dami pang satsat.... Hindi ko na siya pinatapos. Hinablot ko na lang yong braso niya. "Pulang-pula...." puna ko. Inangat ko ang tingin ko sakaniya. "Masakit?" tanong ko. Tumawa siya at mabilisang umiling. "Hindi po...." tugon niya. "Sorry..." I apologized. Halos magmukha ng pasa yong nasa braso niya dahil sa sobrang pula na animo'y naipon yong dugo sa parteng yon. Marahan kong pinasadahan ng daliri ang braso niya. Pulang-pula. Hinaplos ko lang yon nang hinaplos. Hanggang sa nawala na yong pagka-pula, saka ko lang binitawan ang braso niya. "Ginagawa mo, Makayla?" natatawang tanong niya. Inirapan ko agad siya. "Nasaktan ka, huwag mo nang itanggi. Sorry...." paumanhin ko. Sobrang pula kasi talaga nong bandang kinurot ko kaya mediyo nagi-guilty ako. "Sira ka talaga, Makayla! Ok lang yon. Basta tulungan mo ako dito, kahit ilang kurot pa ok lang." he chuckled. Umirap ulit ako sa hangin. Pero agad akong tumawa nang magsalubong na naman ang paningin naming dalawa. "Oo na! Tara... tutulong na ako." umayos ako ng upo at mediyo lumapit sakaniya. "Pero seryoso... hindi talaga masakit?" pag-uulit ko na naman. He heaved a sigh and seriously stared at me. "Ang kulit! Hindi nga po... ok lang naman yon sakin. Basta't ang kapalit, sasamahan mo ako at tutulungan sa pagd-decorate nito." mediyo tumatawang tugon niya. Pero nandoon ang sinseridad sa pananalita niya kaya tumango na ako. "Tutulungan naman talaga kitang gumawa nito kahit hindi mo sabihin, baliw!" I laughed. Sinamaan niya agad ako ng tingin. "Basta may kapalit, hay nako!" tumatawang sagot niya. "Yon lang...." malakas na akong tumawa. Sinabayan niya naman ako kaya mas natuwa ako. Sobrang saya ko kapag ikaw ang kasama ko, Paulo. Sana alam mo yon.... ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD