Kabanata 66

1596 Words
Kabanata 66 Antok. Isang salita na may limang letra pero 'yan ang dahilan kung bakit ang daming mga bata ang napapagalitan palagi ng mga magulang. "Makayla, gumising ka na! Alas-onse na." rinig kong sigaw ni daddy mula sa labas ng kuwarto. Huminga na lang ako nang malalim at nagtalukbong ng kumot. I'm still sleepy as sh*t! "Makayla!" sigaw niya ulit. Alright, alright! Nahimigan kong naiirita na si daddy kaya't kahit wala pa sa aking plano na bumangon ay wala na din akong nagawa kundi itabi ang kumot. Frustratedly, hinilamos ko sa aking mukha ang palad ko. Tumalon ako patayo at kaagad na tumakbo palabas. "Goodmorning!" I gritted my teeth and smiled. Dumampot ako ng tinapay sa oven at isinubo 'yon agad. Saglit akong tumingin kay daddy bago ko hinila ang isang upuan na nasa gilid ni kuya. I lifted my right foot and placed it on the chair while scrolling the screen of my phone. "Hmm." dali-dali akong umayos ng upo nang mabuksan ko ang gc ng squad. -Squad- Reina: Pajama saka shirt lang dadalhin ko. Ulan: Ipagpaalam niyo ako. Angeline, asan ka? Reina: Nasa bahay. Mushroom: Hala, hindi ako makakapunta. Ako: Hoy, bakit?! Ulan: Yown, etlog. Ako: Di nga kasi ako itlog. :(( Mushroom: Hindi ako pinayagan. Ako: Kwento mo sa pagong, Janella! Napasapo na lang ako sa aking noo at kaagad na lumabas mula sa chat room ng squad. I tapped the exit button and search for Janella's name. Nang mahanap ko na 'yon ay nagsend agad ako sakaniya ng private message. Ako: Paano 'yong kuwento mo? Janella: Chat na lang. Hindi kasi ako puwede sumama. :(( Ako: Ipagpapaalam kita? Janella: Huy, hindi talaga papayag sila mommy. Ako: Ano ba 'yan? Sayang, hoy! Napasimangot na lang ako at akmang magl-log out na nang magreply agad si Janella. Janella: Joke lang! HAHAHA. Mamaya magk-kuwento ako. Napatayo agad ako at halos mapunit na ang mga labi ko sa kangingiti. Tumakbo ako palapit kay daddy at tumalon sa kaniyang likuran. "Daddy, nagpaalam na ako kay mommy noong isang araw." I smiled sweetly at him. "Saan na naman?" kunot-noong tanong niya. "May sleepover po kami ngayon. Bukas na po ang uwi ko after lunch." tugon ko. "Anong oras ang alis mo?" tanong niya. "Siguro 2 pm po or 3?" nagbikit-balikat ako at bumaba na mula sa kaniyang likuran. Sandali siyang nanahimik na animo'y nagiisip. I almost closed my eyes dahil sa kaba na baka hindi siya pumayag. Ngunit nang magsalita na siya ay halos mapatalon na naman ako sa saya. "Basta't mag-iingat ka." he simply said. I'll take that as a 'yes'. "Yey! Thank you, dy!" lumapit ako sa kaniya at pinaulanan ng mga halik ang kaniyang magkabilang pisngi. 'Yon! Tumakbo na ako patungo sa kwarto dala-dala ang cellphone at isinaksak ko na agad 'yon sa charger. Hinatak ko ang tuwalya ko na nakasabit sa hanger at dumiretso sa banyo. Mabilisan ang ginawa kong pagligo dahil kung hindi ako magmamadali ay aabutin na naman ako ng isang oras sa banyo. Pagkalabas ko ay nag-ayos na agad ako ng mukha at nagbihis. Pinatuyo ko muna ang buhok ko habang nagc-cellphone. Nagbackread ako sa group chat namin at napailing na lamang. *flashback* Angeline: T*ng*na ka din, Gab! Gab: Ikaw lang naman kasi 'yong umasa. Sinabi ko na ngang wala akong pipiliin sa squad diba? Angeline: Hindi ka kasi totoong kaibigan! Gab: Porket hindi ka lang pinili na maging kagrupo nagkakaganiyan ka na? Pota! Reigne: Potato. Raze: Huwag mo nang gatungan, Reigne. Ako: Tigilan niyo na 'yan. Gab: 'Yang si Angeline kasi— tsk! Angeline: Ako pa nasisi, ana? Gab: Oh, bakit? Ikaw naman talaga, ah? Dami mong alam. Janella: Hindi kayo magkakaayos kung magsisisihan lang kayo. Angeline: Wow, nagsalita! Sino kaya 'yong naninira ng kaibigan? Janella: Luh? Angeline: Oo, bakit? Akala mo ba hindi ko alam? Sinisiraan mo ako kapag nakatalikod? Ako: Tantanan niyo na nga 'yan. Awat na, para kayong mga bata. Angeline: Hindi na maaayos 'to. Ako: Paano maaayos, eh siraulo kayo. Imbis na ayusin, mas pinapalaki niyo pa. Gab: Sino ba kasing nagpapalaki sa issue? Diba si Angeline? Aly: Tigilan niyo na kasi! Angeline: Huwag ka nang makisatsat. Ako: Makikisatsat lahat kasi magkakaibigan tayo. Malamang, lahat 'yan aawat. Gab, Angeline, umayos na kayong dalawa. Ayusin niyo pati 'yang g**o niyo. Grow up, people! Akmang isasara ko na sana ang phone ko dahil lumipas ang ilang minuto ay wala nang nagr-reply sa kanila. For sure maiinit ang ulo ng mga iyon kaya't hahayaan ko na lang muna. Pero agad na napakunot ang noo ko dahil nagmessage ulit si Gab. Gab: @Makayla. 3 2 1 ....... Angeline: It's a prank! Janella: Prank lang 'yon! Gab: Prank!!! Halos mabitawan ko pa ang phone ko dahil sa paghinga ko nang maluwag. Atlis hindi totoong nag-away sila. Damn! Napangisi na lang ako at nag-out na. *end of flashback* I stood up and pulled the charger from my phone. Dumiretso na ako palabas at nang tignan ko ulit ang aking orasan ay nakita kong 1:30 pm pa lang. I still have half an hour bago pumunta kayla Reigne. Kumain na muna ako at nanood ng Shadowhunters. This one will always be my favorite next to Twilight. Grabe, ang ganda ni Claire! Ilang minuto din akong nanood hanggang sa mapagtanto kong 2:23 pm na pala. Shoot! Isang episode pa lang ang napapanood ko, gosh! -Squad- Ako: Lampas na pala ng 2 pm, kaloka. Papunta na ako. Hindi ko na hinintay ang reply nila at lumabas na agad ako ng bahay. Nang may dumaan na tricycle ay pumara na agad ako. Tinanong niya kung saan daw ako dadalhin kaya't sinabi ko na agad ang address nila Reigne. I scanned myself in front of the mirror and wore my eyeglasses. Hindi ko na 'to naisusuot kaya't for sure hindi na sakto sa aking mga mata ang grado nito. Napansin ko din na ang bilis humaba ng buhok ko. 15 minutes have passed, natanaw ko na sila Janella na naglalaro ng badminton sa labas ng bahay nila Reigne. Ang aga nila, ah? "Lola!" nagsitakbuhan na sila sa akin at akmang magmamano nang kotongan ko sila. "Mga sira!" natatawang asik ko sa kanila. "Bakit ka nakasalamin?" tumatawang tanong ni Reigne. Napanguso na lang ako at inayos ang salamin na suot ko. "Lumalabo na naman ang mata ko." nakasimangot kong sagot. Ayoko talagang magsalamin, nakakairita sa mata. "Wait, sino 'yong nakaitim na tumatakbo pataas?" kunot-noong tanong ko nang mapansin kong may tumakbo pataas sa bahay nila Reigne. Kinabahan agad ako nang umiling sila Suzette. "Wala, ah!" sagot niya. "Meron!" I gulped. Shems! Sino 'yon? Don't tell me na mayroong multo rito? Aba! "Wala nga. Hay nako, Makayla." natatawang sambit ni Janella. "Tara lakad muna tayo." pag-aaya nila. Tumango na lang ako at sumama sa kanila. Ilang beses kaming nagpabalik-balik mula sa bahay nila Reigne patungo sa Phase 4 ng subdivision. Halos mahilo ako dahil sa pagod. Jusko, ah? "Anong nangyari sayo, Makayla?" natatawang tanong ni tita sa akin. "Wala po, tita." hingal na hingal kong sagot. Ang layo kaya nitong phase 8 doon sa phase 4. -Squad- Reigne: Hindi ako makahinga, pahingi akong tubig. Janella: Huh?! Napakunot ang noo ko at tinignan si Janella na tumatakbo papunta sa taas. Pupuntahan niya yata si Reigne. I catched my breath and decided to follow Janella when she suddenly yelled from upstairs. "Nakatulog si Reigne!" natatawang sigaw niya at tumakbo pababa. Makakabawi na yata ako! Tumatawang tumakbo ako patungo sa freezer nila at kumuha ng yelo. "Ay, wait...." napatigil silang lahat at napatingin sa akin. "... palamigin niyo na lang kamay niyo. Huwag na tayong magdala doon ng yelo para hindi na magkalat." I wiggled my brows at them. Ayokong matulog mamaya doon na maraming kalat, duh. "Ako mauuna." sambit ni Janella. "Si Makayla na una." sambit ni Nathalie. Ano 'to? Porket ako ang huling dumating, ako mauuna? Kaloka! "Ako na." "Si Makayla na." "Hindi, ikaw na." "Ako na." "Ang dami niyong arte, jusko!" natatawang sambit ko sa kanila. Ako na ang humawak sa doorknob para matapos na ang alitan nila. Hahang nakahawak ako sa malamig na bakal ay naramdaman ko ang pagtahimik ng mga kaibigan ko at kasabay nang mabagal kong pagpihit sa doorknob ay ang pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, pero kinakabahan ako. Am I too excited na makabawi kay Reigne? Duh! Binato ba naman ako ng yelo noong nakatulog ako dito, eh. Nang sa wakas ay mabuksan ko na ang pintuan ay agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa madilim na silid. Ang kama ay punong-puno ng mga lobo na nakakalat. Sa paligid ay mayroon ding mga lobo at sa kisame ay mayroong mga lobo na nakasabit. "Happy Birthday, tanga!" pagbati ni Reigne. "Tapos na ang birthday ko, ah?" tanong ko sa kanila. God knows kung gaano ko kagustong umiyak pero pinipigilan ko lang. I don't want to ruin this very special moment. "Hindi kaya tayo nakapag-celebrate last week, duh!" sagot ni Angeline. Napailing na lang ako at nagpasalamat. This is the first time na naranasan ko 'to, damn! "Kuha ka ng stick doon." itinuro ni Reigne 'yung pader na may mga stick na nakadikit. "Tapos paputukin mo 'yung mga lobong may laman." patuloy ni Angeline. Ginawa ko agad 'yong sinabi nila at bawat pagputok ng lobo ay siyang pagbagsak ng mga papel. 'Yong iba ay may sulat, 'yong iba naman ay may mga litrato. It's either picture ko or picture ni kuya Jace. Noong nabasa ko na ang isang letter ay doon na nagsimulang tumulo ang mga luha ko, ghad! ".....napamahal ka na sa amin kaya't mahirap ka nang pakawalan." ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD