Kabanata 68

1398 Words
Kabanata 68 Naalimpungatan ako nang pagkalakas-lakas na tumunog ang alarm ko. It's 5:30 am in the morning and I'm still sleepy. Argh! Isang oras pa lang ang tulog ko. I tapped the stop button and threw the phone somewhere. Tumagilid ako ng higa at napansin kong tulog na tulog pa din ang mga kaibigan ko, kaloka! Puyat pa. Hindi ko namalayang naka-idlip na naman pala ako. Pagkagising ko ay agad akong bumangon at tinapik si Nathalie. "Nathalie...." patuloy kong tinapik ang kaniyang paa. "Nathalie..." I slapped my forehead. 6:41 am na, ghad! "Nathalie!" sumigaw na ako dahil tulog-mantika ang babaita. "Hmmm?" bahagya siyang napaigtad at binuksan ng kaunti ang kaniyang mga mata. "Hindi na tayo nakapag-jogging!" ngumiwi ako at bumangon. "Hala!" dali-dali niyang tinanggal ang kumot mula sa pagkakatalukbong sa kaniya. "Oo nga, nakalimutan ko." sumimangot siya at kinusot ang mata. Naalimpungatan na din sila Reigne at sunod-sunod na tumingin sa amin ni Nathalie. Reigne is sleeping on the comforter under the bed. Si Suzette, Angeline at Nathalie naman ang katabi ko sa kama. "Bakit diyan ka natulog?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. "Hindi tayo kasya diyan, sis!" she laughed. Napanguso na lang ako at naupo sa kama. Maya-maya'y bumangon siya at lumabas. Magluluto daw muna siya sa baba kaya lumipat ako ng puwesto doon sa kaninang hinihigaan niya. Minutes have passed, natapos nang magluto si Reigne at tinawag niya na kami. Sabay-sabay na kaming kumain sa baba at naglaro pa kami ng UNO cards habang nagb-breakfast. "Makayla, nagpapatulong sa poem 'yong labidabs mo." biglang sambit ni Reigne. Napanganga na lang ako habang hinihintay ang paliwanag niya. "Labidabs?" nagtatakang tanong ko. "Duke." simpleng sagot niya. Napabilog na lang ang bibig ko kasunod ng pagtango. "Kaya mo na 'yan." I smirked. "Tito, uuwi na po ako." paalam ko dahil nagmessage na si kuya. Pinapauwi na daw ako ni mommy. "Ok, sige. Ingat." kumaway pa si tito. Kanina pang nakauwi sila Angeline. Ngayon pa lang ako uuwi dahil nanood pa kami ng Crawl nila Reigne. "Salamat po!" nakangiting kumaway ako habang sumasakay sa tricycle. Nang makababa ako sa tric ay tahimik akong tumakbo papasok sa bahay. Mapapagalitan ako kapag nakitang late na akong umuwi. I checked my wristwatch, it's already past 12 in the afternoon. Shoot! I'm dead. "Kararating mo lang?" Kaagad akong napatigil sa pagtingkayad at mabilisang umayos ng tayo. Lumingon ako sa nagsalita at nakita kong nakatayo si kuya sa may pintuan habang nakahalukipkip. "Ah... eh," I held the back of my neck and bit my lower lips. "...opo." kinakabahang tumawa ako nang marahan at saka siya nilampasan. Dumiretso ako sa kuwarto at inilapag ang bag na bitbit ko. Natulog muna ako dahil sa sobrang antok. Nang magising ako ay saka ko lamang napagtantong gabi na. "Hala, hindi pa ako nakakaligo!" dali-dali akong tumayo at humablot ng tuwalya. Tumakbo ako patungo sa banyo at mabilisang naligo. "I feel fresh." I crossed my arms on my chest and tiptoed with my eyes closed. Hinayaan ko lang na saluhin ng katawan ko ang bawat patak ng tubig mula sa shower. Binalewala niya 'ko dahil sa'yo~~ Napangisi ako nang marinig ko na naman ang kanta na 'yon. Sa tingin ko ay nagpapatugtog na naman ang kapitbahay namin, or puwedeng si kuya ang nagpapatugtog. Ingatan mo siya, Binalewala niya 'ko dahil sa'yo, Nawalan na ng saysay ang pagmamahal.~~ Come to think of it, everytime I hear this song, there's only one person who enters my mind—Kuya Jace. Tinapos ko na agad ang aking pagligo dahil ayokong magdrama sa loob ng banyo. Nang makapagbihis na ako ay binuksan ko agad ang cellphone ko at binasa ang aking mga unread messages. -/Gals/- Lexi: Hey, gals! 7:30 pm @Starbucks, alright? See yah. Ishtel: Didiretso na ako do'n after ng meeting ko with my groupmates. Jana: Baka mediyo ma-late ako, nasa labas ako with my fam. Yanzy: Wait, I'll be on my way na. Ingat kayo. Doon ko na kayo hihintayin. Muwaps! Lexi: Ingat ka din. @Ishtel, didiretso na din ako. Ishtel: Sige, ingat. Ay, pasabi pala kay mommy na magkikita tayo sa SB. Doon na kamo ako didiretso. Lexi: Kanina pa kitang naipagpaalam, couz'. Ishtel: No wonder! Pinsan nga kita HAHA. Kezi: Where's Makayla? Nagtatago na naman ang babaita, aba! I dropped my jaw when I read their conversation. Seriously? Bakit hindi ako informed na may lakad kami ngayon? Kaloka. Hindi na ako nag-abala pa na magreply sa kanila. I took my wallet at dali-dali na akong lumabas. Nakasalubong ko pa si daddy na nakatingin sa akin. "Saan ang punta mo?" nagtatakang tanong niya. I heaved a sigh and answered. "I didn't know na may lakad pala kami nila Lexi ngayon, daddy. Sorry..biglaan po." napakamot ako sa aking batok. Damn, baka hindi ako payagan. "Oh siya, sige. May pera ka pa ba?" nakakagulat niyang ani. Wait, what?! Pinayagan ako? Omg! "Opo. Meron pa po akong pera dito sa wallet." tuwang-tuwang sambit ko sa kaniya. Tumango na lang siya at pinaalis na ako. Huwag lang daw akong magpapaabot ng madaling araw. Pagkarating ko sa Starbucks ay natanaw ko na agad ang puwesto nila. Kumpleto na sila, ako na lang ang natatanging wala pa. "Hey..." pagbati ko. Kaagad silang nag-angat ng tingin sa akin at mga nanlaki ang mata. "Makayla!" gulat nilang sambit. Natawa na lang ako nang bigla nila akong dinambahan. "How's life?" tanong ni Jana. Napangisi na lang ako at umiling. "Same old." mahinang sambit ko. "Wait, kanino 'yang Green tea?" nagtatakang tanong ko habang nakaturo sa isang cup. Wala sa kanilang mahilig uminom no'n kaya't nagtataka ako. "Sa'yo 'yan, bakla!" tumatawang sambit ni Kezi. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inasahang in-order na nila ako. "Buti na lang pala at sumulpot ako." natatawang ani ko. "Well...." Lexi shrugged her shoulders. ".. umiinom na din ako ng green tea." she winked. "Kailan pa?" gulat kong tanong. Nagtawanan naman agad sila at hinampas si Lexi. Tanging pagkindat lamang ang isinagot niya sa akin kaya't napailing ako. "By the way, I saw your tweets." puna ni Ishtel habang nakatingin sa akin. Ang kaninang maingay na paligid ay biglang binalot ng katahimikan. Sandali akong napatigil. Nang mahimasmasan na ako ay ngumisi na lang ako at sumandal. "It's nothing..." tanging sagot ko habang pinaglalaruan ang straw na natusok sa aking cup. "Something's bothering you." gatong pa ni Lexi. I clenched my jaw and fiercely looked at them. "Don't mind that." pahina nang pahina ang boses ko. Ayokong nahahalata nila na may problema ako. "Oh, well!" Kezi breathed heavily. "Iba talaga kapag maganda, ang daming pino-problema. Gaya nila Lexi, right?" nakangiting patuloy niya. Alam kong pinapagaan niya lang ang atmosphere kaya't ginatungan na lang namin. "Uh-huh." tumango-tango si Jana habang nakatingin kay Ishtel. Well, she admires Ishtel's beauty. "Basta, for me.." ipinatong ni Kezi ang magkabilang siko niya sa lamesa at dahan-dahang tumitig sa akin. Specifically, sa mga mata ko. ".... Makayla's eyes are the most precious thing I've ever seen." Then, she smirked. Napailing na lang ako nang pati sila Lexi ay tumitig na din sa mga mata ko. Nagdaldalan pa sila nang nagdaldalan, minsan pa ay pinipilit nila akong isali sa usapan ngunit nanatili akong tahimik. I don't want to spill anything, after all. "Ano ba? Mahirap kasing maging maganda." tumatawang sambit ni Jana. Doon na ako natawa nang bahagya. "Be thankful, hindi mo naranasan 'yon." ngumisi pa ako kaya't nagsitawanan sila Ish. Jana pouted while giving me her deadliest glare. Uh-oh! "Pang-asar ka talaga, Ayla." sambit ni Ishtel kaya't humalakhak ako. "I need to go home, may group meeting pa ako bukas." tumayo na ako at kumindat kay Jana. She just shook her head while smiling then stood up. Siya pa ang unang yumakap sa akin at namaalam. "Ingat ka." sambit nila. I just winked at them and turned my back. "Ah, wait..." a hand was wrapped into my arms which caused me to stop. It was Ishtel. She went near me and wrapped her arms around me. "I know something's off, sabihan mo ako kapag kailangan mo. Hmm?" I felt her lips touched my cheeks before she walked away. Mabigat 'man ang bawat hakbang ko ay nagawa ko pa din lumisan mula sa kinaroroonan ko. Sa bawat pag-angat ng paa ko ay ang kusang paglandas ng bawat butil ng luha mula sa aking mga mata. God.... would I be able to survive this? It's getting more painful as day passes by. *******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD