Biglang bumukas ang pinto. "Awit sa ganon, zer!" malakas na sambit ni Dylan, hinampas pa ng bahagya ang pinto.
"Sana ol diba?" komento ni Angel kaya natawa ang tropa.
"Di naman ako bitter, pero wala kasi talagang poreber." anito ni Reigne, bahagya pa akong inirapan ng pabiro.
Josh wrapped his hands around my shoulders. "Tapos mo na lahat ng activities?" tanong nya. Nagbikit-balikat lang ako, tinaasan nya ako ng kilay.
I chuckled. "Opo. Ikaw?"
He nodded. "Tapos na rin." sandali nyang sinulyapan ang tropa, napatingin din naman ako sakanila. Naguusap-usap lang sila sa iisang pwesto.
"Let's go out mamaya?" I asked him. Nanliit ang mga mata nya, wari ko'y nag-iisip sya. "Wala namang pasok bukas, it's weekend..." I shrugged.
He shook his head. "Nope, magpahinga ka muna mamaya."
Bahagya akong lumabi sakanya. "Hindi tayo lalabas?" I made a sad face.
"Hindi na muna." marahan nya akong binitawan. He sat on the seat beside me, ako naman ang tumayo.
"Sige, para makapagpahinga ka din." I nodded. "Punta na lang muna ako kina Reigne mamaya."
He heaved a sigh, he's obviously tired. "Why?" he looked at me, his eyes were telling me how tired he is right now.
I held his face and gently caressed it, his eyes are almost closing. "Aw, baby..." I planted a soft kiss on the tip of his nose. "Pagod ka?" marahan kong tanong.
"Sakto lang." he chuckled. He grabbed my hands and stared at them. Kumabog ang dibdib ko nang dampian nya ng halik yon.
"Josh..." I uttered. He just raised his brows at me, halatang walang balak na pansinin ako. "Kamay ko." I pouted.
He didn't utter any word. Paulit-ulit nya lang ginawaran ng halik 'yong magkabilang kamay ko. He even grabbed it closer to him, bahagya syang nag-lean forward at ipinatong ang kanyang noo sa ibabaw ng kamay ko. Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga habang pinagmamasdan sya, he's really tired.
"Pagod na pagod ka, huwag na munang maglalaro mamaya ha? Take a rest, Josh..." I tried to pull my hands, kaso ayaw nyang pakawalan 'yon. I chuckled. "Wait lang, aayusin ko muna ang gamit ko."
He let my hands go and gave me a sad face. "Huwag ka nang umalis, punta ka na lang sa bahay..." he stood up and picked up his bag.
Tinawanan ko sya, ang cute nya lang tignan. Para syang bata na humihingi ng kasama. "Mas gusto kong tumambay kina Reigne, eh..." I laughed, nang-aasar.
Pabiro syang umirap. "Tsk! Gusto mo lang naman makita si Ja—"
Tumikhim ako para maputol 'yong sinasabi nya. "Papadeliver ba tayo o magluluto na lang ako?" I raised my brows while fixing my stuffs.
"Di na, punta ka na lang kina Reigne. Baka sakaling maabutan mo don 'yong cr—" he wasn't able to finish his words when he noticed me glaring at him. "Sabay na ba tayong pupunta samin? Padeliver na lang tayo para makapagpahinga ka." he gave me a sweet smile, halatang ayaw na awayin ko nanaman sya.
I smirked. "Sabay na tayo."
"Josh!" sabay kaming napalingon don sa tumawag sakanya, it was Jed.
"Oh?" Josh raised his brows.
"Naaalala mo ba 'yong magandang babae na nanood satin nong last game natin?" he asked, basketball ata ang tinutukoy nya sa last game.
Sandali akong sinulyapan ni Josh, nagbikit-balikat na lang ako. "Anong meron don?" tugon nya.
"Hiningi nya sakin 'yong pangalan mo, binigay ko..." kunot-noong napalingon ako kay Jed, he grinned at me and lifted his two fingers into a peace sign.
"When was that?" I asked. Nilingon agad ako ni Josh, bahagyang pa syang natawa dahil sa reaksyon ko.
"Last week lang, boss!" tugon sakin ni Jed. "Ang ganda nong babae, type nga ni Josh eh." dugtong nya pa habang napapakamot sa ulo.
I clicked my tongue and turned my gaze at Josh. Tinaasan nya ako ng kilay at bahagyang tumawa, he even pinched my cheeks.
"Type pala huh?" I smirked. Dumistansya ako sakanya, kinuha ko na ang bag ko.
"Wala na yon! Ang tagal na kaya non, last week pa eh..." he defended himself.
"Nagchat sakin 'yon!" pahabol pa ni Jed. "Ang saya mo raw kausap, Josh..." he added. Lalong kumunot ang noo ko.
"Nakakachat mo?" I bit my lower lips, I want to know his side. He didn't speak. "Wag mo kong kakausapin." dugtong ko. Napairap ako sa kawalan nang manlaki ang mga mata nya.
He messed his hair and cussed loudly. "Gago, Jed! Nagseselos na si Kayls, awat na." he heaved a sigh. Humagalpak sa tawa ang tropa.
"No, it's okay..." I stated, more likely a lie. Hindi okay sakin 'yon, but if that's the case... then, I'll have to listen. Tinalikuran ko muna sya para isara ang bag ko, uuwi na ako.
I felt his arms around my waist habang nakatalikod ako. He whispered at me. "Kayls..."
"Uh?" malamig kong tugon.
"Kayls..." he repeated.
"Yes?"
"Makayla." may diin nyang sambit ngunit nandon ang lambing.
I faced him. "Uuwi ka na ba? Ako, oo..." pinagmasdan ko sya, halatang pagod talaga. "You should take a rest. You look so drained, baby..."
"Uuwi ka na?" he raised his brows at me. I just nodded. "Sakin ka uuwi?" he asked. Agad akong natawa at dinampian ng halik ang pisngi nya. He bit his lower lip, preventing himself from smiling.
"Crush na crush mo nanaman ako..." pinanliitan nya ako ng mga mata.
I nodded and raised my brows. "Uh-huh? Sino kaya yong bigla-biglang nanghahalik saka yumayakap sating dalawa?" I smirked. Lumabi naman sya at agad na kinuha ang kamay ko. He intertwined our fingers together.
"Ikaw ba yon?" he chuckled, nang-aasar nanaman.
"Ay, ako ba?" I formed my lips into an '0', amused with his pride. "Alam ko ikaw 'yon, eh." dumila ako, tinawanan nya naman ako at inakbayan.
"Oo na lang." humagalpak sya sa tawa. "Tara na nga! Apakadaldal mo." he joked.
Nauna ako sa paglalakad, nakasunod lang sya sakin habang patuloy na nang-aasar. Nadaanan namin ang tropa na nagpipigil ng tawa sa isang sulok, narinig kong minura ni Josh si Jed kaya natawa rin ako. Gaya ng napag-usapan, dumiretso kami ni Josh sa bahay nila. Buti na lang at weekend na bukas, makakapagpahinga na ulit kami lalo na si Josh.
Pagkarating namin sa bahay nila ay bumungad samin ang tita nya. Bahagya pang nanlaki ang mga mata nya nang makita ako.
"Si Makayla po, tita..." pakilala sakin ni Josh.
I smiled at her. "Goodafternoon po." I greeted. Nginitian nya rin ako, a genuine one.
"Ikaw pala 'yong kinukwento nitong si Josh madalas." she chuckled.
"Wag mo naman akong ibuking, 'ta..." sambit ni Josh. Napakamot pa sya sa batok, halatang nahihiya.
"May gusto ba kayong kainin? Ipagluluto ko muna kayo san—"
"Huwag na, tita. Papadeliver na lang po kami." pagputol ni Josh sa sinasabi ng tita nya.
Kumunot ang noo ng tita nya, nag-aalinlangan. "Sigurado ba kayo?" she turned her gaze at me.
"Uh... opo." I chuckled.
"Osya, sige..." she nodded. "Ay, nga pala! Aalis muna ako sandali, kayo na muna ang bahala rito ha?" sambit nya na animo'y natataranta na.
"Saan nanaman ang punta mo, 'ta?" tanong ni Josh, nagtataka.
"Diyan lang, may bibilhin lang ako. Mabuti na lang at maaga kang umuwi, walang magbabantay dito sa bahay." she looked at me. "Iha, maiwan ko na muna kayo rito ha?"
"Sige po... ingat po kayo." I uttered. Napangiti naman sya at sandali akong pinagmasdan, pati si Josh ay napatingin sakin. May mali ba sa sinabi ko?
Bumaling sya kay Josh, nakangiti. "Limits ha... huwag kakalimutan." paalala nya. Tumatawang napatango na lang si Josh.
Nang makaalis na ang tita nya ay iginiya nya ako sa sofa. He handed me his phone, don daw ako umorder. Iniwan nya akong mag-isa rito para magbihis. Nagscroll na lang ako sa phone nya habang nagiisip ako ng ipapadeliver namin.
"Anong gusto mo?" I yelled, nasa cr kasi sya.
"Ha?" pasigaw nya ring tanong. "Ano yon?" he repeated.
"Foods! Anong gusto mong kainin?" tanong ko ulit.
"Ikaw na ang bahala." tugon nya.
I shrugged and added the foods to cart. Saktong nasend ko na 'yong order namin nang marinig ko ang pag-agos ng tubig mula sa cr. I stood up and hardly knocked on the door. Pasaway! Pagod na pagod sya tapos lalantak ng ligo, suicidal ba 'to?
"Wait lang!"
"Josh!" mariin kong sambit at muling kumatok.
"Sandali, Kayls! Naliligo ako, orderin mo lang 'yong gus—"
"Sira ka ba? Bakit ka naliligo, hindi ka muna nagpahinga?!" may kalakasan kong tanong, naiinis ako!
"Huh? Teka— Ah, sht! Saglit lang, Makayla..." sunod-sunod nyang tugon. Tumigil ang pagpatak ng tubig, natigilan din ako.
"Ayos ka lang?" I asked, still knocking on the door.
Natagalan sya bago sumagot. "Oo, nasilam lang ako." he laughed.
"Napakatanga..." bulong ko. I heaved a sigh. "Bilisan mong maligo, mapapasma ka sa ginagawa mo eh!" I clicked my tongue and went back to the sofa.
Nagscroll na lang ulit ako sa phone nya habang hinihintay ko sya. I can't open his soc-meds, he still needs privacy, after all. I ended up opening his gallery to check if he has some pictures na pwede kong isend sakin. Pero imbis na pictures nya ang bumungad sakin, mga picture ko ang lumitaw. Lahat ay kuha nong nag-Mcdo kami one night. Itinuloy ko na lang ang pagtingin sa mga pictures ko dun, napahinto lang ako nang lumitaw ang chat ni Fia.
Wala akong balak na basahin ang chat nya, pinatay ko 'yong phone ni Josh at ipinatong 'yon sa table na nasa gilid ko. Humalukipkip ako habang nakatingin sa sahig, thinking of what to do.
"Tunaw na 'yong sahig." rinig kong sambit ni Josh, napaangat ako ng tingin. Tumatawa sya habang nagdadamit.
Pabiro akong umirap. "Galing ka na sa cr, di ka pa dun nagdamit." tinawanan nya lang ako lalo at binilisan ang pagbibihis.
"Nakaorder ka na ba?" he asked, tumango lang ako. Kinuha nya 'yong phone nya bago naupo sa tabi ko. "Anong inorder mo?" tanong nya ulit habang nags-scroll sa phone.
"Mcdo." maikling tugon ko. Humiga ako sa sofa and rested my feet on his lap. Bumaling sya sakin, nagtataka.
"Okay ka lang?" tanong nya, nahimigan ko don ang pag-aalala.
I nodded. "Yes..." I bubbled my cheeks. "Nagchat nga pala si Fia, di ko naman binasa 'yong chat nya. Tignan mo, baka about 'yon sa birthday ng papa nya." dugtong ko.
Sandali syang natahimik. Inalis nya yong paa ko sa kandungan nya, humiga din sya sa tabi ko kaya muntikan na akong mahulog.
I glared at him. "May balak ka bang ihulog ako rito, ha?"
He chuckled. "Sakto lang.." he rested his head on my chest, hindi ko na tuloy sya nagawang awayin.
"Josh..." I uttered. He didn't speak, huminga lang sya nang malalim.
"Baby..." I stroked his hair, bahagya pa syang napaigtad sa ginawa ko. Naglakbay ang isa ko pang kamay, bahagyang hinahagod ang likod nya.
"Kayls..." his husky voice made my heart beats fast. My own kind of obsession.
"Hmm?" I continued playing with his hair, ang lambot kasi saka ang bango.
"Makayla..." he repeated.
I stopped and stared at him. "Baby?"
"Three words..." he stated. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.
"Three words?" I curiously asked. "Club Manila East?" I joked. Napansin ko ang pagbusangot nya kahit nakasiksik sya sakin.
"Tangeks, anong gagawin ko sa CME?" he asked, sabay kaming natawa. Tumahimik na sya, ganon din ako.
"Josh..." pagbasag ko sa katahimikan.
"Makayla," he looked at me. I raised my brows at him. "I love you..."
I turned my gaze somewhere else, 'di mawari ang itutugon. "Do you?" I asked in a soft voice.
"Hindi ka naniniwala?" he raised his brows at me, tila ba'y nagtatampo sa naging sagot ko.
I was about to answer him when someone suddenly interrupted, napatingin kami sa pinto dahil sa kumakatok.
"Delivery?" I shrugged. Nauna syang tumayo para kunin 'yong order namin. Naghati kami sa pagbabayad. Inayos nya na 'yong lamesa at inilapag don ang mga pagkain.
Tahimik lang sya habang kumakain, hindi manlang ako kinakausap. Naniniwala ako sa sinabi nya, ramdam ko 'yon. It's just that... he's not yet ready for a commitment. Ayokong madaliin sya sa ganong bagay. Gusto kong marinig 'yon mula sakanya kapag handa na sya, I can wait.
"Josh..." pagtawag ko. He just raised a brow, hindi pa rin ako sinusulyapan.
"Josh." mariin kong banggit. Hindi nya pa rin ako pinansin, nagpatuloy lang sya sa pagkain.
"Josh Gomez!" I raised my brows while staring at him. He shook his head and stood up. Bumaba ang tingin ko sa pagkain nya, tapos na pala sya. Tinapos ko na rin ang kinakain ko bago ako tumayo. Sumunod ako sakanya, nakatalikod sya sakin habang umiinom.
I wrapped my arms around his waist. "I love you." I sincerely whispered. Ramdam kong natigilan sya, I took that as a chance para iharap sya sakin.
"I love you...." ipinulupot ko ang kamay ko sa leeg nya, sinubukan nyang mag-iwas ng tingin. "I said, I love you." I pouted. He chuckled and wrapped his hands on my waist.
"Do you?" he asked, mimicking what I've said earlier.
"Gaya-gaya!" humagalpak ako sa tawa, nang-aasar. "Yes... I really do." I shrugged. There's no way I would lie when it comes to him.
"Eh bakit kanina hindi mo agad ako sina—"
Pinitik ko ang tip ng ilong nya. "Tama na tampo, ayoko lang naman na madaliin ka. I was expecting to hear that from you kapag handa ka na sa commitment." I heaved a sigh. "Hindi mo kailangan magmadali, I can wait... but at least now you know, I love you."
"Gusto mo malaman kung gaano kitang kamahal?" he raised his brows at me. I bit my lower lip, hesitating if I will say yes or no, but I ended up with a short nod.
"Yes, please..." tugon ko. Kinabig nya ako palapit sakanya at mas hinigpitan ang yakap sakin.
"Liligawan kita."
******