Madey's Point of view... Masama ang katawan ko, kaya naman ng isinama ni mama at ni Xiane sa mall si Kat ay pumayag na muna ako. Medyo umiikot kasi ang paningin ko at sa tingin ko kailangan ko itong ipahinga kaya hindi na ako sumama pa sa kanila. Nagpasya na rin akong mag shower ng mapreskuhan ang katawan ko. baka sakaling mawala ang pananakit ng ulo ko kung maliligo ako. Medyo nagtagal ako sa paliligo, nang may narinig akong pumasok at nagsara ng pinto sa kwarto. ''Hyun ikaw ba 'yan?'' tawag ko pero 'di ito sumagot. Kaya naman nag madali ako sa pagbalabal sa katawan ko. Baka mamaya na naman kasi sumakit na naman ang ulo ni Hyun kaya maaga itong umuwi. Pero laking gulat ko ng pagbukas ko ng pinto ng banyo ay bumungad sa akin ay ang nakatalikod na si Ford. Hawak nito ang frame ng w

