*** "Let's go," sambit ni Mrs. Perez nang makuha niya ang susi ng sasakyan niya. Ni hindi man lang niya ako tinignan bago naglakad papunta sa garahe niya. Kakamut-kamot sa ulong sumunod ako sa kaniya at pumunta sa passenger seat. Pinagmasdan ko lang siya habang pinapaandar niya ang kaniyang sasakyan. Habang patagal nang patagal paganda nang paganda si Mrs. Perez sa paningin ko. Ano kayang tinetake niyang gamot? O nagtetake kaya siya ng mga gamot na pampaganda? Napalunok ako nang mapunta ang tingin ko sa mapupulang labi niya, parang tumigil saglit ang oras nang kagatin niya ang lower lip niya dahilan para mas lalong mamula ito. Para siyang nang-aakit sa ginagawa niya. "Thank you, ma'am," nakangiting pasasalamat ko kay Mrs. Perez nang tumigil na ang sasakyan niya sa tapat ng codo ko. Na

