*** Inaantok pa ako pero dahil sa ingay ng mga kasama ko dito sa room ay napilitan na akong bumangon. Sobrang sakit pa ng mga mata ko dahil kulang na kulang ako sa tulog. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kaninang madaling araw, hindi ko na namamalayan. Nang makabangon ako ay agad kong hinanap ang libro ko na nakatulugan ko. Napakamot ako sa ulo ko nang hindi ko ito makita sa bed ko, hawak-hawak ko lang iyon kaninang madaling araw, ah. Saan na ba 'yon? "Gago, mas lalong gumanda at sumexy si ma'am. First year college pa lang crush ko na 'yon, eh. Kung hindi lang natin siya professor, niligawan ko na 'yon." Kumunot ang noo ko dahil sa narinig ko. Isa pa anong ginagawa ng mga lalaki naming kaklase dito sa room namin, eh, may sarili naman silang room at nasa rules din na baw

