NANLALAKI pa rin ang aking mga mata na nakatingin kay Lennox. Naitulak ko siya dahil sa kanyang ginawa sa akin. Hinalikan niya ako sa aking labi. Napahawak ako roon sa aking labi habang nakatingin sa kanya. “B-bakit mo iyon ginawa?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pinayagan ko siyang halikan ako sa aking labi. Dapat nu'ng nakita ko pa lamang na sinandal niya ako sa pader ay dapat tinulak ko na siya. Ang weird lang sa aking pakiramdam na, hindi man lang ako nandiri sa kanyang halik at maging ang aking puso ko kumabog nang husto. “Because I want to, Kathleen.” I saw the corner of his lips rise as he looked at me. “Your lips are so soft, Kathleen, it's nice to kiss your lips again and again.” Ganoʼn pa rin ang boses niya habang nakatingin sa akin. “P-pero, mali

