Chapter 11: Nikolai

1442 Words
"See you later," paalam sa akin ni Pavel. Halos magkasunod lang naming isinara ang mga pintuan ng sasakyan niya. Sumabay Kasi ako sa kanya sa pagpasok ngayong Umaga since I don't feel like driving. Pakiramdam ko ay kulang pa ang lakas na naipon ko sa dalawang araw na lumipas. "Yeah," sagot ko sa kanya. Magkaibang daan na ang tinungo namin dahil magkatabi lang naman ang mga buildings ng courses namin. Unlike Jethro and Viktor na kinakailangan pang mag-drive ng 3 minutes para lang makarating sa building nila. Ang university na pinapasukan namin ang isa sa pinakasikat na university sa buong Russia. Tila ito isang maliit na city dahil napakaluwang nito at marami pang buildings. Nag-donate nga ng malaking halaga ang Mommy ko para hindi ilabas ng university na isang prinsipe ang nag-aaral dito. Iilan lang sa mga professors dito ang nakakaalam na prinsipe ako ng bansa namin. At ang mga kaibigan ko lang din ang nakakaalam ng katotohanan tungkol sa pagkatao ko. No one among my ex knows who I am, too. "Nikolai!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. As expected, it was Geneva. Tumakbo siya papalapit sa akin ngunit umiwas ako sa kanya. Para tuloy kaming naghahabulan sa ginagawa namin. "Please! Nikolai!" sigaw niya dahilan para tila tumigil sa pag-ikot ang mundo. Napatingin ang lahat sa kanya at nang makitang ako ang hinahabol niya ay may ilang pumigil sa akin. Isa pa nga sa kanila ang akmang hahawakan ako ngunit mabilis akong umatras. Ayokong hinahawakan ako ng kung sino-sino lalo na kung hindi ko naman sila kakilala. "Can't you see she's calling you?!" maangas na tanong ng lalaki. "Can't you see that I don't want to talk to her?" balik-tanong ko sa malamig na boses. "Nikolai!" kaagad na yumakap sa akin si Geneva. Pumiksi ako at humarap sa kanya. Kinalas ko ang mga kamay niyang nakayakap sa katawan ko. "Don't touch me anymore, Geneva," babala ko sa kanya. "What? Are you going to tell me that Viktor won't allow it? Do you really think I believe what you've said about you two?" paghahamon niya sa akin. "Believe it or not, I don't really care, Geneva." Akmang tatalikuran ko siya ulit ngunit humawak nang mahigpit sa braso ko ang isang kamay niya. Her nails embedded in my skin at nang umiwas ako ay ilang kalmot mula sa mahahabang kuko niya ang gumuhit sa balat ko at ang ilan ay dumugo. Napasinghap nang malakas ang mga estudyanteng nanunuod sa eksema naming dalawa. "Nik!" gimbal niyang saad habang nakatutok ang mga mata sa sugatang braso ko. Mula sa braso kong nanhahapdi ay tumingin ako sa kanya. "Is this what you want? Make me bleed just for me to talk to you?!" galit kong tanong sa kanya. "Nik, I just want to explain what happened between Viktor and me! I didn't mean it!" Nagbulungan na ang mga estudyante sa paligid namin. I can even hear some students loudly ask how Geneva cheated on me with my friend. "I told you, I don't need your explanation, Geneva. Knowing it is enough. And like I've told you, I won't forgive what you've done and we're through. We're finished the day you voluntarily spread your legs for my friend." Hindi ko masyadong nilakasan ang boses ko dahil ayokong dagdagan pa ang kahihiyang nararanasan naming dalawa ngayon. Ngunit hindi ganon ang plano ni Geneva. "Nik! You can't forgive me but you've easily forgiven Viktor and even made him your boyfriend!" gigil niyang panunumbat sa akin. Lalong lumakas ang bulungan sa paligid namin. Humakbang ako papalapit sa kanya hanggang sa naging nagkatapat ang kinatatayuan naming dalawa. I don't want to do this but she's forcing me to. "What can I do, Geneva? He fúcks better than you?" bulong ko sa tenga niya. Nang tignan ko siya ay tulala siyang nakanganga. I smirked at her. Bago pa bumalik ang malay niya ay tinalikuran ko na siya. Mabilis na akong naglakad palayo papunta sa clinic ng building namin. "Yes?" tanong ng isang nurse doon na kaagad na ngumiti sa akin. Hindi nagsasalitang itinuro ko ang isang braso ko na may mahahabang sugat mula sa mga kuko ni Geneva kaya agad akong hinila ng nurse. Nagmamadali niyang nilinis ang sugat at nilagyan iyon ng gauze upang hindi madumihan. Nagbigay pa siya ng gamot na panlinis ko roon. Paglabas ko ay nagulat ako nang makitang naghihintay sa akin si Viktor. Nag-aalalang nakatingin ito sa braso kong may gauze pad. "Nik---" Umiwas ako sa akmang paglapit sa akin ni Viktor. "Nik, let's talk," habol niya sa akin ngunit mas binilisan ko ang paglalakad ko Hanggang sa tumatakbo na Ako papalayo sa kanya. Imbes na magpunta ako sa elevator na magdadala sa akin sa classroom ko ay dumiretso ako sa labas ng building. Habang naglalakad-takbo ay kinuha ko ang phone ko at mabilis na tinawagan si Pavel. "Hello?" Kaagad niyang sagot sa unang ring pa lang. "Pavel, I need to go home..." "No!" Nagulat ako nang biglang may umagaw sa phone na hawak ko. it was Viktor. Naniningkit ang mga matang tumitig siya sa akin habang inilalagay sa gilid ng mukha niya ang phone ko upang kausapin si Pavel while his other hand held my arm. Kahit anong piglas ko ay hindi niya ito binitawan. "It's none of your business!" sagot niya sa kabilang linya. Maybe Pavel was asking kung anong nangyayari dahil si Viktor na ang nakikipag-usap sa kanya. "I'll bring him home if he wants to go home. Don't bother anymore!" Pagkatapos sabihin iyon ay pinatay na niya ang tawag. "Let go, Viktor!" matigas kong babala sa kanya. "And if I don't?" paghahamon niya na lalo kong ikinagalit. Lumapit ako sa kanya at walang babalang sinuntok siya sa mukha. Pumaling ang mukha niya ngunit hindi niya ako binitawan. Galit na ang mga mata niya nang muli siyang tumingin sa akin. "Let go!" muli kong utos sa kanya. May mga nagsilapitan nang estudyante sa amin. "What are you doing to him? Let him go!" pakikialam ng iba sa kanila. "This is none of your damn business! Leave us alone!" bulyaw ni Viktor sa kanila. Namumula na ang mukha nito sa galit na pati ako ay sindak na napatingin sa kanya. It's my first time seeing him scream angrily like this. May isang lumapit na kaagad na sinuntok ni Viktor. Nasa kamay pa niya ang phone ko kaya naman triple ang lakas ng suntok na dumapo sa mukha ng lalaking akmang tutulungan ako. Duguan itong bumulagta sa daan. "No! Stop it, Viktor!" sigaw ko nang sinipa pa niya ito. Lalo akong nagpumiglas ngunit lalo ring humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Napasigaw ako sa sakit dahil pakiramdam ko ay nadurog na niya ang buto ko. May mga lumapit para tulungan akong makawala mula sa pagkakahawak niya ngunit pinagsusuntok sila ni Viktor. Napilitan tuloy na gumanti ang ibang nasaktan niya. Ngunit kahit nakikipagsuntukan na siya ay hindi pa rin bumibitaw ang kamay niya sa braso ko. He was dragging me while his other hand was throwing punches. Hanggang sa nakarinig ako ng ilang pagpito. The university's guards came and only them were able to subdue the situation. Dumating na rin si Pavel. "Let him go, Viktor!" utos nito sa kaibigan but it seems Viktor was already oblivious. "No!" galit nitong sigaw kay Pavel at akmang susugurin din ito. Mabuti na lang at pigil pa rin siya ng mga guwardiya ng eskwelahan. Wala siyang naging laban sa kanila dahil mas malalaki ang katawan Ng mga ito sa kanya at malayong mas matatangkad pa. "Pavel!" pagpapasaklolo ko. My arm is already numb because of Victor's hold on it. Hindi ko na rin napigilan ang ilang butil ng luha na dumaloy dahil sa sakit at kahihiyang nararanasan ko ngayon. "You're hurting Nik, Viktor! You're hurting Nikolai!" galit na bulyaw ni Pavel sa kaibigan. Like a miracle, nang marinig ni Viktor ang pangalan ko ay tumigil siya sa pagwawala. Tumingin siya sa akin at nang makita ang itsura ko ay bumaling ang mga mata niya sa braso kong hawak pa rin niya. Tila napapaso niya itong binitawan. Pagbitaw na pagbitaw niya ay nanghihina akong napaupo. Mabuti na lang ang nasalo ako ni Pavel. Kung hindi ay napaupo ako sa kalsada. Tinulungan niya akong makatayo at inalalayang maglakad palayo. "Where are you taking him?! Pavel! Where the hell are you taking him?!" habol ni Viktor sa amin habang pigil pa rin siya ng ilang kalalakihan. "To the clinic, you fúcking asshole! Congratulations, you just broke your boyfriend's arm!" Nang lingunin ko si Viktor ay gimbal siyang nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. I just can't believe that there's another monster inside him. I just witnessed it come out today.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD