Ang malakas na tunog ng phone ko ang gumising sa akin. I forcibly opened my eyes at kahit hindi ko pa iyon gaanong naibubukas, kinakapa na ng kamay ko ang sa kinalalagyan niya ang phone na sumira sa payapang pagpapahinga ko. Naniningkit ang mga matang tinignan ko ang caller. It was just numbers and no registered name. And it's an international call. Tuluyang nagising ang diwa ko. Is this the call I am waiting for? Agad akong bumangon at sumandal sa headboard ng kama na kinahihigaan ko. I swallowed a couple of times and breathed as deeply as I could bago ko pinindot ang accept button. If I just didn't deactivate my social media account, I won't be this dreadful in accepting calls. Makikilala ko agad ang caller. But some things are meant to be ended, kept, and hidden. And I decided on th

