Etienne, Kai and I went out for lunch. Marahil para maiwasan ang kapatid niya at ang papalalang tensiyon sa pamilya nila. Tahimik ko lang siyang inoobserbahan. Hinihintay ko na sumbatan niya ako tungkol kay Viktor, kung bakit hindi ako naging tapat sa kanya tungkol sa naging relasyon namin bago ako nagpakasal sa kanya. Pero wala siyang binanggit tungkol doon. Normal pa rin siya kung kausapin ako na parang walang nangyaring rebelasyon sa kanilang pamilya tungkol sa akin at kay Viktor. Hiniling ni Kai na makapaglaro siya sa Kids Zone ng park na pinuntahan namin na malapit sa restaurant na kinainan namin at pinagbigyan siya ni Etienne. Even some of our guards played with him dahil kokonti lang ang mga batang kaedaran niya and Etienne didn't want him playing with other boys much older than

