Nagdikit ang mga kilay ko sa pinapasukang bakuran ng sasakyan. The place is awfully familiar to me. Nanlaki ang mga mata ko when I finally realized that I was at the house where Pavel, Jethro, and I stayed noong unang magpunta kaming tatlo sa Serin. And that only means one thing. Pamilya ni Nikolai ang nagpakuha sa akin. Tumaas ang kilay ko. So, sino sa kanila ang nagpakidnap sa akin? Ang Mommy niya o ang ate niya? At ano ang rason para ipakidnap ako nito? Nasagot ang mga tanong ko nang makita ang ate ni Nik na nakaupo sa isa mga lounge chairs sa pool area ng bahay. Naka-two piece ito na halatang kagagaling lang sa pagtatampisaw sa pool. "Ah, there you are!" masiglang bati nito na tumayo pa at sinalubong ako. "Welcome back to Serin, Viktor!" She tiptoed to kiss me pero nag-iwas ak

