Ilang pagkatok sa pintuan ng kuwarto ko ang gumising sa akin.alalas akong umungol. "Go away!" minamalat ko pang sigaw sa kung sino mang umabala sa pagtulog ko. Marahil isa iyon sa mga taga-silbi dito sa bahay ng parents ko at inutasan para gisingin ako. Ngunit imbes na umalis, kumatok ulit ang nasa harapan ng pinto ko. Ngayon ay mas malalakas na ang ginagawa nitong pagkatok. "I said, fúcking go away!" muli kong sigaw para lang magulat nang hindi na pagkatok ang sumunod na narinig ko mula sa pinto kundi pagsipa na. Kahit mabigat pa ang katawan ko ay talagang napabangon ako. Nanlalaki ang mga mata ko habang pinapanuod kung paano unti-unting gumalaw ang pintuan dahil sa malakas na puwersang nanggagaling sa harapan nito. Our maid can't do this, and not even my parents. Now who the hell i

