Napahawak ako sa pisngi kong nangangapal habang tulalang napatingin sa kawalan. Sa unang pagkakataon sa buhay ko ay nasampal ako. I literally heard Etienne's growl at nang mabilis ko siyang lingunin, nakita kong pahakbang na siya patungo kay Neriah. Kaagad akong yumakap sa kanya at halos makaladkad na niya ako para lang makalapit sa kapatid ko. "No! Don't hurt my daughter!" nagpa-panic na sigaw ni Mommy. At dahil sa sigaw niyang iyon, bumukas ang pinto at pumasok ang ilang guwardiya namin. "Hold her!" Itinuro ni Etienne si Neriah na kaagad namang pinalibutan ng mga guwardiya. Bumaling si Etienne kay Mommy. "She hurt my husband first! Hindi ka ba magagalit sa kanya?!" panunumbat nito kay Mommy. Pumaikot sa katawan ko ang kamay ni Etienne na para bang sasaktan din ako ni Mommy. Hindi

