"Mahal, saan ka pupunta?" tanong ni Albie kay Grace.
"Sa malayo!" agarang sagot ni Grace rito.
"Anong gagawin mo roon? Teka, sasama ako!" nagmamadaling tumayo si Albie upang sundan ang kasintahan subalit hindi pa siya ganap na nakalalapit dito ay pinigilan na ni Grace ang nobyo.
"Hindi mo na ako kailangan pang samahan, kaya rito ka na lamang," malungkot na sagot niya sa kay Albie.
"Naguguluhan ako! Bakit ayaw mong samahan kita? Hindi kita pwedeng iwanan kita rito!" kunot noong sabi ni Albie subalit patuloy pa rin sa paglayo si Grace.
Hindi maunawaan ni Albie ang mga nangyayari sa kanila ng nobya. Bakit tila ang layo nila sa isa't isa ngunit dinig na dinig niya ang malambing nitong boses.
"Oras na para iwanan kita, mahal ko. Paalam!" Tumalon siya sa bangin at hinayaan niyang mahulog ang kanyang katawan sa matarik na bangin.
"Hindi! Mahal ko!" malakas na sigaw na iyon ni Albie kitang-kita niya kung paano nagpatihulog ang kanyang kasintahan sa matarik na bangin. Wala man lang siyang nagawa para mapigilan ang nobya. Humagulgol siya at hindi alam ang gagawin ng mga oras na iyon.
"Mahal ko, gising!" buong lakas na pagyugyog ni Grace sa nobyo na noon ay binabangungot.
Pawisang napabalikwas bangon naman si Albie mula sa kanyang pagkakahiga sa malambot nitong kama.
"H-Huwag….H-Huwag m-mo a-akong iiwan, m-mahal ko!" Mahigpit siyang napayakap dito na animo'y isang batang paslit.
"Bakit naman kita iiwan, mahal ko?" balik na tanong ni Grace habang nakayakap sa umiiyak na nobyo.
"H-Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko!" sagot niya na mababakas ang pagkatakot sa boses nito na pahayag kay Grace.
"A-ano k-ka ba? H-Hindi kita iiwan. Magpapakasal pa tayo!" Hinagod ni Grace ang likuran ng katipan upang patahanin ito. "Panaginip lamang ang lahat, kaya wala kang dapat na ikatakot," dagdag pa niyang sabi rito.
"Pangako mo ’yan sa akin ha. Kahit anumang mangyari hinding-hindi ka aalis!" paniniyak na himig niyang sabi kay Grace.
"Pangako, mahal ko. Mabuti pa’y pagtimpla kita ng mainit na gatas upang maging mahimbing ang iyong tulog." Kumalas na ito sa pagkakayakap sa nobyo. Tumalikod na siya sa nobyong nakapikit ang mga mata. Naiiling siyang lumabas ng kwarto nito. Mabuti na lamang at pinayagan siya na mag sleepover ng kanyang Mommy upang tapusin ang kanilang project at magpraktis na rin para sa nalalapit nilang Acquaintance Party.
"Tita, ako na po ang bahala sa mga hugasin. Magpahinga na lamang po kayo riyan," boluntaryong sabi ni Grace sa Mommy ng kanyang kasintahan.
"Ako na ang bahala, Iha," nakangiting pagtanggi ni Krizelle sa kanilang panauhin.
"Nakahihiya naman, Tita,"
"Huwag kang mahiya, sa totoo lang natutuwa ako dahil simula ng naging nobya ka ni Albie, ang laki nang pagbabago niya." Lumapit dito ang Ginang at hinawakan ang mga kamay ni Grace. "Thank you for loving my only son," maluha-luhang pasasalamat ni Krizelle kay Grace.
"Ano ba ’yan, Tita pinaiiyak ninyo ako." Pinahid ni Grace ang butil ng luha sa kanyang pisngi.
"Basta, kung magkakaproblema kayo ni Albie, I am here to listen and give some advice." Tinapik ni Krizelle ang balikat ng dalaga.
"Thank you, Tita!"
"Walang anuman, Iha," tugon ni Krizelle rito.
"Naku, Tita, nakalimutan ko na ang gatas na para kay Albie," bigla niyang naalala ang gatas na ibibigay niya sa nobyo.
"Hehe, hindi naman siya mahilig sa gatas. Mabuti pumanhik ka na sa aking silid. Tabi na tayo," pagbibigay alam ni Krizelle.
Sumunod naman ang dalaga sa sinabing iyon ng kanyang soon to be biyenan. Inihatid naman ng tanaw ni Krizelle ang papalayo na si Grace.
Kinabukasan ay maagang nagising si Albie, masigla itong nag work out ng kanyang katawan upang ma-maintain niya ang pagkakaroon ng magandang hubog ng katawan.
Matapos ang kalahating oras na pag wowork out ay kaagad siyang nagtungo sa banyo upang magshower. Sinuot niya ang paboritong sando na kulay itim na regalo sa kaniya ni Grace noong mag monthsary sila nito. Pasipol-sipol pa siya nang lumabas ng silid. Tinungo kaagad niya ang kusina sapagkat naaamoy niya ang masarap na ulam na niluluto ng kanyang Mommy. Napangiti siya nang makitang magkasundong-magkasundo si Grace at ang kanyang Mommy.
"Gising ka na pala, Albie!" nakangiting puna ni Krizelle sa kanyang anak.
"Good morning, Mommy!" malambing siyang lumapit dito at hinagkan sa pisngi ito.
"Ang bago ng anak ko ah! Para ka pa rin baby," sabi pa nito na ikinatawa nilang tatlo.
"Mommy, stop calling me, baby nakahihiya sa girlfriend ko." Napakamot sa batok na sambit ni Albie sabay baling niya kay Grace na noon ay tawang-tawa sa kaniya. "Ano bang nakatatawa?" may tila tampong usal niya kay Grace. Bigla namang nagseryoso ang dalaga at itinuon ang pagluluto nito ng fried rice.
Ilang sandali pa ay sama-sama na silang kumakain sa hapag kainan napapagitnaan si Albie ng dalawang babae na mahal na mahal niya at mahalaga sa kanyang buhay.
"Alam mo ba, Grace dati dalawa lang kami ni Albie na kumakain sa hapag kainan ngayon tatlo na ulit. Simula kasi nang mawala ang kanyang Daddy, nasanay na kaming dalawa na magkasama. Kaya isang malaking kagalakan sa puso ko na makasama ka namin, welcome ka sa pamilyang ito," mahabang lintanya ni Krizelle kay Grace. Naluluha pa nga ito nang maalala ang yumaong asawa.
"Super thankful po ako sa inyo, Tita. I am sure kung nakikita lang ito ni Tito, matutuwa siya." Pinisil ni Grace ang kamay ng kasintahan habang sinasambit ang katagang iyon.
"Mahal na mahal ko kayong dalawa!" Tinapunan niya ng tingin ang kasintahan at ang maganda niyang Mommy.
"I love you too, anak!"
"Mahal na mahal kita, Albie!"
Napuno nang pagmamahalan ang araw na iyon para sa kanilang dalawang magkasintahan.
Matapos silang mag-umagahan ay nagpresintang maghugas ng pinggan si Albie. Hindi pa natapos doon ang masayang araw nila dahil nagkaroon pa sila ng movie marathon. Pare-pareho silang mahilig na manuod ng horror movies kaya pinanuod nila ang Zombie na talaga namang nakakatakot.
Halos maihi sa salawal si Albie sa sobrang pagkatakot. Todo kapit din siya sa kamay ng kasintahan. Natapos ang kanilang pinanunuod na lahat sila ay naninindig ang balahibo at walang humpay na sigawan.
"Sobra po akong naaliw sa ating bonding, Tita. Sana maulit po muli ang ganitong experience. Hindi na po ako magtatagal at ako'y uuwi na." Niyakap niya si Krizelle, bumiso rin siya at pagkuwan ay ngumiti.
"Mag-iingat ka, Iha!" untag na sambit ni Krizelle rito. Hinatid na lamang niya nang tanaw ang magkasintahan na may ngiti sa kanyang labi.