Equinox's POV: Agad kaming hinila ni Fire at pinagtago. Si Toni naman ang lumabas upang salubungin ang mga pulis. Ngunit paano ang dalawang bata na naiwan sa labas? Alam kong hindi magsasalita si Altan ngunit baka pangunahan ito ng kaba. "Ano ho ang kailanggan niyo?" nakangiting bungad ni Toni sa mga pulis. Nanonood kaming tatlo nila Amelia rito sa CCTV monitor. Ramdam ko ang malalim na paghinga ni Amelia. "Itong lalaking ito ang pakay namin," sabi ng pulis at inilabas ang isang litrato. Nanlaki ang mata ko dahil ako iyon. Kuha ng truck iyon, s**t! May CCTV pala roon sa truck na sinakyan ko papalabas ng Project Artus site! Hindi kaya nasundan na nila ako? "Naku, wala akong nakikitang kamukha niyan, sir. Agaw pansin naman iyan panigurado dahil gwapo. Bueno, kapag nakita ko ay agad

