Equinox's POV: Hindi ako makatulog at mahaba-haba pa ang byahe bago kami makarating sa dulo ng baryo. Nangangati na rin ako sa pilukang suot ko ngunit kailangan kong tiisin. Tulog si Amelia habang nakahiga at nakabaluktot sa upuang katapat ko. Napatitig naman ako sa kaniya, maganda siyang babae. Hindi maipagkakailang dyosa ito kung titingnan. Gusto ko ring malaman kung ano ang kakayahan niya. Kung mas malakas ba ito o pinakamahina sa aming lahat. Kung maganda ba ang abilidad niya at kapaki-pakinabang. Bawat isa sa The Ones ay may espesyal na kakayahan. Ako ay mas malakas kaysa sa ordinaryong tao. Parang lakas ni Captain America sa Avengers, ganoon ang sa akin. Si Dion naman, isa rin sa The Ones. Ito ang pinakasipsip sa mga siyentipiko at pinapaburan ngunit ako ang ginawang lider dahil

