Amelia's POV: "So ito na ang resulta," panimula ni Reyna. Lahat kami ay nandito sa may lamesa sa laboratoryo ni Reyna. Nag-aabang sa resulta na sasabihin niya. Si Equinox ay katabi ko na tahimik lamang. Hindi pa kami ulit nag-uusap ni nagpapansinan. "Pareho lang din ng traces ang kay Amelia sa traces ni Equinox. Wala rin halos pinagkaiba sa DNA ng may Artus Syndrome gaya nga ng sabi ng mga siyentipiko sa Project Artus. Ngunit pagdating sa bilis ng paggaling, mas lamang talaga si Amelia. Kapag nahasa pa si Amelia ay roon tiyak na may ibibilis pa ang kaniyang paggaling. Sa kasamaang palad ay hindi ko makita kung ano ang posibleng abilidad ni Amelia. Malawak ang pwede nitong kalabasan. Maaaring pisikal, isa sa four senses, mental, o kaya ay psychic," paliwanag ni Reyna. "Paanong mental at

