Third Person's POV: Madilim, madumi, at puno ng mga nagkalat na katawan. Halos hindi na makilala ang iba dahil sa sunog na katawan at nagkahiwalay na mga parte dahil sa lakas ng nangyaring pagsabog. Ang inaasahang pagbabago ng kanilang mundo patungkol sa Artus Syndrome ay nauwi dahil sa isang trahedya. Trahedyang walang gustong mangyari ngunit walang nagawa kahit ang mga taong sumubok na pigilan ang pagsabog. Sadyang malakas ito na lumamon sa napakalaking parte ng Project Artus. "Tulungan niyo ang lahat ng mga tao! Unahin niyo ang auditorium, nandoon ang mga kilalang tao, siyentipiko, mga sangay ng gobyerno, ang direktor ng Project Artus, at ang Presidente ng Xenoland! Na roon din ang mga batang kumanta at nagperform para sa intermission number! Bilisan niyong sumaklolo!" sigaw ng isang

