Amelia's POV: "Mama, gising! Mama, ano po ang ginawa mo!?" Nagpapanic na ako dahil hindi na humihinga si mama. Nang makita ko ang gamot na itinurok niya ay matagal na itong expired. Hindi lang pala ito ang basyo ng gamot, may tatlong iba pa sa tabi niya. Kung ano-anong emosyon ang nararamdaman ko. Nanginginig ang aking kamay sa kaba. Gusto kong itayo si mama at pagsabihan ngunit alam ko na ang totoong nangyayari. "Mama please, gumising po kayo. Sabi niyo po ay magluluto lang ako at magpapahinga kayo? Bakit niyo po ako iniwan? Sabi mo mama ay walang iwanan! Ibang pahinga na po iyan! Bakit niyo po ako sinukuan? Bakit po kayo sumuko agad!" humahagulgol kong sigaw. Sinubukan kong alugin si mama ngunit wala na siyang buhay. Pinakinggan ko ang kaniyang pulso ngunit hindi na ito tumitibok pa.

