Reyna's POV: "Nasundan na tayo!" sigaw ni Fire. "Shuta! Anong gagawin natin!?" kabado kong tanong. "Magmaneho ka lang palayo. Iligaw natin sila!" sigaw naman ni Fire na nagkakabit ng seatbelt. "Sa tingin mo ba ay maililigaw natin sila? Kailangan nating lumaban!" sigaw naman ni Equinox. "Kumalma nga kayo! Nakakakaba kapag nagsisigawan!" sigaw naman ni Amelia na hindi rin maikabit ang seatbelt niya. Nang tumingin ako sa una ay muntik na kaming sumalpok sa isang puno. Napamura naman ako, kailangan kong magfocus! Shuta naman kasi itong kaibigan ko, baka na frame-up ako! Pero imposible naman, wala naman siyang mapapala sa akin. Hindi naman ako mayaman at triple pa ang inilaki ng pera nila sa pera ko! Patuloy lamang ako sa pagmamaneho at pag-iwas. Hindi pa sila ulit nagpapaputok. Mukhang

