SNL 2

728 Words
TYRA "WOW." NAPAKURAP-KURAP pa ako habang umiikot ang tingin sa sa loob ng Crimson University. Maganda rin naman ang mga paaralan doon sa Germany. Pero iba talaga dito sa Pilipinas. Ang may-ari raw sa university na ito ay asawa ni Ate Mia. A Crimson's name ay pangalan talaga ni Kuya Kenjie. "Grabe, ang yaman-yaman talaga ng asawa ni Ate Mia," mahinang saad ko habang naglalakad at hinahanap ang aking classroom. Dahil abala ang mga mata ko sa pagtingin sa paligid, hindi ko napansin na may nakabangga ako. "Oh, damn you, b***h! Watch your footsteps!" Napaatras pa ako ng konti. "S-Sorry. Hindi ko sinasadya," kagat-labing saad ko sa mga babaeng halos nakahubad na sa kanilang mga suot. Ang maganda pati sa university na ito, hindi required ang uniforms. Like they can wear what they want. "So, new student?" tanong ng isang payat na babae pero maganda. "Yes. I'm Tyra. Nice to meet you " Inilahad ko naman ang kamay ko para makipag-shake hands pero ni-isa walang tumanggap. "Ahmm...nice to meet you again," ulit na sabi ko at tinalikuran ang mga ito. "Ang gaganda nga nila pero masama naman ang ugali," bulong ko naman habang nakanguso. Halos inikot ko na ang buong building, saka ko pa lang nahanap ang magiging classroom ko. Nahilo na rin ako kakaikot. Pagpasok ko sa loob, nagkakagulo ang kalalakihan. Well, ang mga babaeng nakabangga ko kanina ay kaklase ko rin pala at sila ang pinagkakaguluhan ng mga lalaki. Agad na ako dumiretso ng upo sa pinakagilid. Ilang minuto rin ang hinintay namin bago dumating ang aming guro. "Good morning." Aniya ng napakaguwapong lalaki. Sobrang tangkad niya at talagang nakakalaglag ng panga ang kagwapuhan. Sobrang kapal ng kan'yang kilay. Napakatangos ng kan'yang ilong. Mapupula ang mga labi. Sobrang kinis ng kan'yang mukha. At halata sa katawan niya na alaga sa ehersisyo. At agaw pansin din ang maliit na tattoo sa kan'yang leeg. "Good morning, sir!" Haist. Bakit sobrang guwapo niya. Ang mapupungay niyang mga mata na talaga naman na madadala ka sa kan'yang karisma. "Okay. I'm Professor Nixus Monteverde. Nice to meet you all." Nixus. Nixus….. Hay. Siya na ang bagong crush ko. Basta ako naniniwala na age doesn't matter. Yes, proven and tested na ni Ate Mia. Hindi ko naman napigilan ang pagngiti. "Okay, class dismissed." Nanlalaki naman ang mga mata ko. Nakailang guro na ang nagturo pero wala man pumasok sa kukute ko. Ang tanga ko! Natapos lang ang klase, wala man lang ako natutunan. Paano ba naman kasi, nasa isip ko sa buong klase si Professor Nixus. ………………… "Tyra!" "Kuya Terrence, ano po ang ginagawa niyo dito?!" Nasa gate pa lang ako at nag-aabang ng taxi pauwi sa condo ko, bumungad naman si Kuya Terrence. "Pinasundo ka sa akin ni Kuya Dos mo." "Kuya naman eh! Marunong naman akong umuwi!" "Halika ka na, ihatid na kita." Inirapan ko naman ito. "Dami mo arte, Ty-Ty! Bakit ka pa naglalagay ng contact lens at saka ang pangit ng pananamit mo." "Ganito naman po ako manamit ah. Saka, kailangan ko maglagay ng contact lens para hindi na ako nagsusuot ng salamin." Napakayaman ng pamilya namin. Pero mas gusto ko pa rin na simple lang. Hindi rin kasi ako mahilig sa seksing damit. Hindi ako komportable kapag labas na ang kaluluwa ko. "Let's go," aniya ni Kuya Terrence at hinawakan pa ang kamay ko. Wala rin pala pagkakaiba noong nag-aaral ako sa Germany. As usual…..bantay-sarado pa rin ako. THE next day, ganoon pa rin ang nangyarig sa buhay ko. Lagi na lang ako pinagtripan ng mga babaeng ito. "Tyra, you're so baduy! Can you dress up properly! Gosh!" Problema kaya nila sa damit ko. Hindi ko na lang pinansin ang mga ito. Sa halip na makipag-away, pumunta na lang ako sa library at binuhos ang inis sa pagbabasa. Habang nagbabasa ng paborito kong aklat, panay naman ang nguya ko. Kanina bumili ako ng makakain sa canteen. After ko basahin ang isang aklat, tumayo na rin ako at babalik na sa classroom. "Wait, miss." Napalingon naman ako sa baritonong boses na tumawag sa akin. Starstruck. Ang guwapong mukha ni Professor Monteverde ang bumungad sa akin. "Ang panty liner mo, nalaglag sa sahig." Napanganga naman ko. Nakakahiya! Iyong nagdadasal na ako na sana lamunin na ako ng lupa. "Hindi yata kumapit ng mahigpit sa underwear mo," aniya na sumilay ang ngiti bago ito umalis. Wahh………. another katangahan na naman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD