TYRA WALA na kaming inaksayang oras. KINABUKASAN, agad na kaming umalis pabalik sa Britain. Kung saan doon talaga lumaki si Axus. "Anak?" Pilit naman akong ngumiti kay mommy. Pinipilit ko na maging normal ang lahat. Ayoko ipakita kay Axus, ang pinagdaanan ko ngayon. "M-Mom." Lumapit naman si Mommy at umupo sa aking tabi. "Alam mo ba, noong bago pa lang kami ng daddy mo, ang daming luha ang inilabas ko. Ang daming sakit ang naranasan ko. Ang daming pinagdadaanan ko hangggang tuluyan naging masaya. Hindi ako bumitaw. Alam ko, ganoon ka rin, Tyra." "S-Sana nga po, mommy. P-Pero iba pa rin kapag a-anak ang usapan." Hinawakan naman ni mommy ang kamay ko at pinisil ito. "I know. Nandito lang ako. Kahit buhay ko, ibibigay ko kay Axus, sa inyong magkakapatid." Napaiyak naman ako. "S-Sala

