TYRA "BABALIK na tayo sa Manila," malamig ang boses ni Evo na bumaling ito sa akin. "I-I'm sorry," mahinang sagot ko na lang. "Kung totoong kasal nga kayo ni Monteverde, then file a divorce. Kung mahal mo ako, hindi mo ako sasaktan ng ganito, Ty." "E-Evo." "I respect you. Sa dalawang taon na iyon, hindi kita ginalaw. I was thinking na birhen ka pa, that's why ayaw mo talaga. Pero….putang-ina! Masakit pala. Dalawang taon, ni hindi ka nagkukwento sa mga nakaraan mo. Bakit mahal mo pa rin ba siya?" Hindi ko naman maiwasan mapaluha. "A-Ayoko lang balikan ang…a-ang nakaraan ko. I was so young and emotionally damaged." "Did you really love me?" seryosong tanong niya. Napayuko naman ako. Mahina pa itong napatawa. "You don't need to answer anymore, because I already know the answer." Na

