TYRA NAGPUPUYOS ang dibdib ko sa sobrang inis kay Nixus. Iniwan ko ang mga ito at pumunta sa President Office. "Dra. Ito po pala ang lahat na record dito sa university. Since three years ago, ikaw na ang may-ari, marami na ang pinagbago ng university," aniya sa akin ni Yen. "So and that three years, sino ang nag-managed dito?" "Iyong sekretarya niyo raw po." Sekretarya? Kailan pa ako nagkaroon ng kanang kamay? "Ah ganoon ba-." Napatigil naman ako sa pagsasalita nang may nagbukas ng pinto. "Good morning, Sir Nixus," bati naman ni Yen. "Can you leave us alone, Miss Yen?" nakangiting turan ng magaling kong asawa. "Sure. Dra. labas muna ako. Kung may kailangan ka, just call me." Tumango na lang ako. Umupo naman ako at nagkukunwaring nagbabasa. "When did you arrive?" Hindi ko nama

