TYRA "THIS WAY." Sinamahan naman ako ng lalaking papasok sa loob ng malaking building. Napansin ko rin na may nakakabit na lapel sa kanyang suot na uniporme. They're look like a highly trained securities. "Come in. Master is waiting for you," Bigla naman sumulpot ang isa pang lalaki. "T-Thank you," huminga muna ako ng malalim at pumasok sa isang silid. Sobrang daming tauhan si Evo. Mostly ang babata pa at matikas ang pangangatawan. Pagpasok ko sa silid, agad ko napuna ang mga eleganteng kagamitan. Maraming paintings ang naka-display. "How are you?" Napatingin naman ako sa lalaking kampanteng nakaupo sa swivel chair. "E-Evo." Ngumiti naman ito sa akin. "Sorry for what happened to your son. By the way, how do you find my working place?" "H-Hindi na mahalaga na malaman mo pa.

