SNL 4

843 Words
TYRA " 'DI ba,you want us to be your friend, dapat kasa-kasama ka sa gala namin. Like now, pupunta kami sa bar," saad ni Cheska. Saturday ngayon kaya 4 hours lang ang pasok namin. "H-Hindi ako puwede. Baka kasi pumunta sa condo ko ang mga kuya ko," sagot ko naman. Lagi kasi napunta sa condo ko si Kuya Tristan. Kapag hindi niya ako madatnan, baka nasa tv na ang mukha ko at pinaghahanap na ako. "So ayaw mo? Well, you're out!" Mataray na turan sa akin ni Stef. Napangibit naman ako. Ganito pala dito sa Pilipinas kapag nakikipagkaibigan ka. They have a rules na dapat sundin. "S-Sasama na ako," kagat-labing sagot ko naman. Bahala na. Agahan ko na lang umuwi mamaya. Siguro uuwi muna ako at magpalit. "Ahm, uuwi muna ako at magbibihis." "No need, Tyra. Kami ang bahala sa'yo. What are friends for, kung hindi ka namin aayusan at pagandahin lalo," malapad ang ngiting sabi ni Jolly. Wala naman akong magagawa kundi maging sunod-sunuran na lang. Pero hindi pa rin maalis ang kaba sa aking dibdib. First ko kasi pupunta sa gan'yang lugar. Kapag malaman ito ng mga kuya ko, panigurado may palo ako sa puwet. Alas kuwatro pa lang ng hapon, umalis na kami. Bago kami pumunta sa bar, dumaan muna kami sa parlor. "Ito ang susuotin mo, Tyra." Inabot sa akin ni Stef ang isang black dress na parang negligee na ito. Agad naman nila ito pinasuot sa akin. Hindi naman siya manipis pero luwa talaga ang dibdib ko. Hanggang kalahati ng hita ko ang haba. Kita rin ang kalahating likod ko. Samantala ang suot nila, ganoon din, sobrang daring din. "I can't wear this. H-Hindi ako sanay," mahinang saad ko sa tatlong babae. "Oh come on, Tyra. Change your f*****g style! Look at us." Maarteng sagot ni Cheska. Napabuntonghininga naman ako. "H-Hindi ba nakakahiya? I mean, kita na kasi ang kaluluwa natin." "Of course not! Bar ang pupuntahan natin!" taas ang kilay na turan sa akin ni Jolly. Tinanggal na muna ang salamin ko at naglagay na lang ako ng contact lens. Ang buhok ko nakalugay ito at pinakulot ng konti. Dahil nga malusog ang dibdib ko at matangkad naman ako, nagmumukhang dalaga na talaga ako. Nangingintab ang maputi at mabilog kong hita. "Wait, Tyra. May lahi ka ba? Earlier I saw you have green eyes," seryosong saad ni Stef. Nahihiyang tumango naman ako. "Oh. So, you're a half." nakapamewang na singit ni Cheska. "Y-Yeah. German ang Daddy ko." Tumango-tango lang ang mga ito. Ilang sandali na lang, tapos na kaming tatlo nag-ayos. Agad naman tumawag ng taxi si Jolly. Tamang-tama na alas sais, nasa bar na kami. Pagpasok pa lang, amoy na amoy ko na agad ang usok ng sigarilyo. Parang gusto ko magsisi kung bakit sumama pa ako dito. Nagsumiksik naman ako kay Jolly dahil may sumisipol sa amin. "Girls, dito tayo! Whooooh!" aniya ni Stef na umindak na ito. "Ako na ang o-order ng alak natin," sabay alis naman ni Cheska at pumunta ito sa counter. Umupo naman ako at nakayuko lang. "Come on, Tyra. Let's enjoy this night!" Si Jolly na sumasayaw na rin ito. Panay naman ang usal ng isip ko. Mommy ko! Agad naman dumating si Cheska at may kasama na itong waiter na bitbit ang tatlong klaseng alak. Alam kong mayayaman din sila. Ni hindi nga sila humingi sa akin na i-ambag sa alak. "Let's get let!!" Inabot naman sa akin ni Jolly ang wine glass na kalahating may laman na alak. "O-Orange juice na lang sa akin-." "No!" Sabay-sabay na sagot nilang tatlo. Huminga naman akong malalim at kinuha ito at diretsong nilagok. "Good girl! Whooh!" Napapikit naman ako dahil sobrang init na dumaloy sa aking lalamunan. Sunod-sunod na ang paglagay nila ng alak sa aking wine glass. "Wait Tyra, let's have a game," nakangising saad ni Stef. Mukhang lasing na rin ang tatlong babae. May lalaki na rin lumapit kay Jolly at naghahalikan ang mga ito. Ramdam ko na rin ang sobrang init ng katawan ko at nahihilo na rin ako. "A-Anong g-games?" Tanong ko na na namumungay na rin ang mga mata ko. "Truth or dare," natatawang sabi naman ni Cheska. "D-Da-Dare!" natatawang sagot ko naman. "Okay. You see that guy. Girl, si Sir Nixus. Lapitan mo siya and kiss him," nakangising utos ni Stef. Sir Nixus?! Napatingin naman ako sa aming professor na may kasamang dalawang lalaki. "Go! Kapag nagawa mo iyon, bestfriend ka na namin. And we're real sisterhood," aniya naman ni Cheska. Kahit tipsy na ako, alam ko pa rin ang ginagawa ko. "I-I can't." "Oops, you can't back out now. Just only kiss him, then balik ka na agad dito," giit ni Jolly at itinulak na ako. Huminga naman ako ng ilang beses. Kakayanin ko! Dahan-dahan naman akong lumapit. At tumigil mismo sa harapan ni Sir Nixus. Nakakunot naman ang noo niya na nakatitig sa akin. Namumula na rin ang buong mukha niya na mukhang lasing na rin ito. "Yes?" Aniya na ang mga mata nakatitig sa aking malulusog na bundok. "C-Can I kiss you?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD