[Seraphina Rivero] HINDI ko na nakita pa si Rocket dahil kailangan kong ituloy sa El Nido ang bakasyon ko. Iyon kasi ang pangalan na narinig ko na itinawag sa kanya ng babae. Anim na oras ang biyahe namin mula sa Puerto Prinsesa hanggang doon sa lugar kung saan nagkalat ang isla. Mabuti na nga lang at hapon ang oras ng biyahe namin kaya nakatulog ako sa van. Bahagya akong nag-aalala dahil nagsisimula na rin na umambon. Huling linggo pa lang ng Mayo ngunit nagpaparamdam na ang panahon ng tag-ulan dito sa Pilipinas. Madalas ko rin tawagan si Mimi para kumustahin ang aking magulang. “Sera, nag-aalala sila sa lagay mo. Ako ang naaawa sa kanila. Sigurado ka ba rito?” tanong niya sa akin nang huli kaming mag-usap. “Mimi, hindi naman ako mawawala ng isang taon, isang linggo lang ako na nak

