Chapter Thirteen

1732 Words
VINCENT LEE's POV Drinking my favorite coffee calms me. But at this moment, kinakabahan ako. Nagpa-palpitate na yata ako. I just found myself smiling. Imagining her beautiful eyes, her pointed nose, her rosy cheeks and those pinkish lips. It's beautiful. Nandito ako sa CoffeElf, my favorite coffee shop, at kanina ko pa napapansin na pinagtitinginan ako ng ibang costumer kahit nandito ako sa pinakasulok ng coffee shop. May iilang costumers na gustong lumapit sa akin pero hindi hinahayaan ng mga staff na makalapit sila sa akin. I told them already that I have an important person to meet here at ayaw ko munang magpaistorbo. Tinignan ko ang wrist watch ko. She's forty five minutes late. Kanina pa sya nag-text sa akin na on the way na sya at fifteen minutes lang naman ang gugugulin para makarating sya rito sa coffee shop mula sa gym. "Hello." Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. "Are you surprised?" She said, smiling. "What are you doing here? You're not supposed to be here." Tiim-bagang ko syang tinignan habang umuupo sa bakanteng upuan na kaharap ko. "Why? Masama bang makasama ang ex-boyfriend ko?" She emphazed the word "ex-boyfriend". Kung nalaman ko lang agad na nililinlang lang ako ng baliw na ito, sana ay hindi na ako nagpakatanga at nakipag-away sa mga kapatid ko. I found out three months ago na hindi sya ang tunay na Yel Kim. Aksidenteng nakita kong may balat sya sa batok dahil nakapusod ang buhok nya habang naglilinis sa kwarto nya. Akala ko dumi lang iyon. Then I saw her with Coach Blayc in a french restaurant. Hindi kalayuan ang pwesto ko sa kanila that moment but enough for me to hear what they're talking about. She said that she's pregnant with his child and that surprised me. The next day, pinuntahan ko si Coach Blayc and confronted him. Hindi naman ako nabigong makuha ang impormasyon na dapat kong malaman dahil matagal ko na syang kaibigan. He told me that Mel is Yel's twin sister and she's already dead one year ago. Para akong dinaganan ng elepante sa mga nalaman ko. Nagpapanggap sya bilang si Yel dahil patay na ito one year ago. Nilinlang nya kaming lahat! MEL SANTILLANO's POV "Umalis ka na." Vincent said. "Why? Are you expecting Viel to come here? Is she one of your collections?" Hindi sya sumagot. "Honey, hindi ako bobo. I know you like her because she's cute. Ganyan ka naman, di ba? You're obsess with cute girls. Kaya nga nagustuhan mo ang twin sister ko. Hindi rin malabo na magustuhan mo si Viel. Aside from her cute face, she loves to collect pink stuffs. Magkakasundo kayo." I said. "Tumigil ka na Mel. Leave me alone." Seryoso nyang sabi. "Chill, honey. Masyado ka naman yatang pikon. Don't worry. Your secret is safe. Hindi ko sasabihin sa kanya kung anong ginagawa mo sa collection mo." Sabi ko at tumayo na. Pagtalikod ko, nakita ko si Viel na nakatayo sa likod ni Vincent. I smiled. "Kanina ka pa ba dyan? Come. Paalis na rin naman ako. Alam kong kanina ka pa hinihintay ni Vincent." Nang tignan ko si Vincent, mukha syang nagulat kung sino ang nasa likod nya. Maybe I should leave them. Medyo nai-stress na ako at ayokong maapektuhan ang baby ko sa mga pinaplano ko. VINCENT LEE's POV Nang makaalis si Mel, dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan ni Viel. Sobrang kinakabahan ako. Narinig kaya nya ang sinabi ni Mel kanina? Sana hindi. Ayokong ma-misinterpret nya ang mga pinagsasabi ni Mel tungkol sa akin. Lalo na ngayon na may nararamdaman na ako sa kanya. Ayokong mangyari na kamuhian nya ako. Mula ng malaman nya na anak ako ng taong dumukot sa kanya, alam kong hindi na maganda ang impression nya sa akin. Kaya ginawa ko ang lahat para mabago ang pagtingin nya sa akin. Tinulungan ko syang makabalik sa tunay nyang pamilya. "K-kanina ka pa ba nandyan? H-halika. Maupo ka muna." Utal-utal kong sabi. Inalalayan ko sya sa braso. Pinaghila ko sya ng upuan bago ako bumalik sa pwesto ko. Agad naman lumapit sa amin ang isang staff ng coffeeshop at dinala ang kanina ko pang in-order. "I know it's your favorite cake. Remember noong first time na dinala kita rito?" I said. Hindi sya sumagot. Nakatingin lang sya sa akin ng seryoso. Bigla akong kinabahan sa pagtitig nya sa akin. "Hindi ito tama." Seryoso nyang sabi. Napakunot-noo ako sa sinabi nya. "Anong ibig mong sabihin?" "Lahat. Itong pagkikita natin at ang nangyari sa gym. Ex-girlfriend ka ni Ate Yel. Hindi magandang tignan na magkasama tayo. Kapatid ko sya." Hinawakan ko ang kamay nya sa ibabaw ng mesa. Umiling ako at seryoso syang tinignan. "No. Walang masama sa ginagawa natin. Matagal na kaming tapos ni Yel. We're over." "Pero bakit magkasama pa rin kayo? Tapos binibisita mo pa sya sa bahay." Taka nyang tanong. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. "H-hindi naman sya ang gusto kong bisitahin." Tumingin ako sa kanya. "Ikaw." Base sa mga sinasabi nya, mukhang hindi nya narinig ang sinabi ni Mel kanina. Mabuti na iyon dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kapag narinig nya ang sinabi ni Mel kanina. After naming mag-usap, hinatid ko sya sa bahay nila. Pinarada ko ang kotse ko sa tapat ng gate nila at bumaba. Pinagbuksan ko sya ng pinto. "Thank you." I said. "Para saan?" "For coming into my life." "H-huh?" I held her hands. "Viel, I like you. I don't know why or how it happened but I just found myself smiling everytime I remember you. Sometimes, holding and seeing you this close, makes my heart beats fast. Halos ayaw kong mawala ka sa paningin ko." I guess nasobrahan ako sa sinabi ko kasi mukha hindi nya inaasahan ang confession ko. Anong magagawa ko? Feeling ko ay sasabog na dibdib ko anytime kapag hindi ko pa sinabi sa kanya ang nararamdaman ko. "Well, well, well." Napalingon ako sa nagsalita. It's Mel. Again. "You're such a good actor, Vincent! Ang galing mo. You amazed me!" She said while walking towards us. What is she doing here? Alam kong dito sya nakatira pero bakit nandito sya sa labas? Inaabangan nya ba kami? "Ano, sis? Napaniwala ka ba sa acting nya?" Tinignan ko si Viel. "Wag mo syang pakinggan, Viel. She's just joking." Viel is just looking at Mel. "Joking? Really? Mukha ba akong clown para magpatawa? Geez." Tinignan ko ng masama si Mel. Ganito ba sya kasama para siraan ako kay Viel? SUNNY VILLA/VIEL KIM's POV "How was your date with him, little sis?" She asked. Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na hindi sya si Ate Yel. "Mel, stop it." Vincent said. "Why? You always ask your collection after the date if she enjoyed it, right?" Tama ba ang dinig ko? Tinawag na sya na Mel ni Vincent? Saka, ano daw? Collection? "Mel?" Binalingan ko si Vincent. "Kilala mo sya? Ibig kong sabihin ang totoong sya? Saka anong collection ang sinasabi nya?" Naguguluhan kong tanong. "Let me explain it to you, lil sis. Kilala na nya ako and I don't know how he found out. Maybe he's collection instinct. Saka may chika ako sayo. Alam mo bang ikaw ang prospect nyang collection? At kapag nagsawa na sya sayo ay itatapon ka nya sa bargain section. Like—" "Enough, Mel!" Vincent interrupted her. "Oops. I thought you already told her. Tsk! Tsk! Tsk! Poor, Viel. Anyway, I have a super surprise to you guys." Tumingin sya sa likod namin kaya napalingon kami kung saan sya nakatingin. Nakita kong may mga armadong lalaki sa likod namin at hawak ng isa sa kanila si Mommy na walang malay. "Mommy!" Sigaw ko. Pupuntahan ko na sana si Mommy nang pigilan ako sa braso ni Mel. "Not so fast, sis. Makakasama mo rin si tita. For now, sumama ka muna sa akin." Nakangisi nyang sabi. Hinatak nya ako ng malakas kaya napahiyaw ako sa sakit at higpit ng pagkakahawak nya sa braso ko. "Mel! Dont hurt her! Saan mo ba sya dadalhin?!" Sigaw ni Vincent na pilit kumakawala sa mga lalaki na mahigpit na hawak sya sa magkabilang braso. "Sa impyerno! At isusunod kita!" Ganting sigaw ni Mel. Sapilitan nya akong sinakay sa kotse at umalis sa lugar. "Saan mo ba talaga ako dadalhin?" Lakas-loob kong tanong. Sobrang nanginginig na ako sa takot at kaba. Anong gagawin nya sa akin? May nagawa ba akong kasalanan sa kanya para maranasan ko ito? NATHAN KIM's POV Ang tagal naman ni Kuya Vincent. Kanina pa namin sya hinihintay dito sa parking lot ng Hallyu Empire. "Tagal naman ni Kuya. Tumitirik na ang mata ko sa tagal nya." Reklamo ni Marcus. "Ang O.A mo. Mas nauna ako sa iyong dumating dito sa parking lot kaya ako dapat ang tumirik ang mata. Five minutes ka palang naman dumating. Daig mo pa ako magreklamo." I said. Kaming dalawa lang ni Marcus ang nandito sa parking lot. Balak sana naming puntahan ang bakeshop na underconstruction ngayon. Biglang nag-ring ang phone ko. It's Kuya Vincent. I answered the phone. "Kuya, where—" "Nathan, help me! Please!" Hysterical na sabi ni Kuya Vincent. "Why, Kuya?! What happened?!" Nag-aalala kong tanong. Nagtatakang tinignan ako ni Marcus at bahagyang nilapit ang kanyang tenga para mapakinggan ang pinag-uusapan namin ni Kuya Vincent. "Hindi gumagana ang break ko! Damn!" Pagkatapos ay narinig na lang namin ang malakas na pagsalpok ng kotse sa kabilang linya. "Kuya!" Sabay naming sigaw ni Marcus. Nagkatinginan kami ni Marcus. "He's in danger. We have to find him." I said and Marcus nodded. MEL SANTILLANO's POV Nang makarating kami sa aming destinasyon ay agad akong lumabas sa kotse at kinaladkad sya papasok sa abandoned factory— ang lugar kung saan malapit sa pinangyarihan ng aksidente ng mahal kong kapatid. "Aray! Bitiwan mo ako!" Daing nya. I don't care kung lumabas na ang ugat nya sa leeg sa kakasigaw dahil wala namang makakarinig sa kanya. Nagsasayang lang sya ng laway at lakas sa pagpupumiglas nya. Pagdating namin sa lumang office ng factory, pabalibag ko syang binitiwan. "Now, shall we start the show?" I smirked at her. I walked towards the office desk na kung saan nakapwesto ang laptop ko. I pressed the start button and the show starts!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD