Chapter 33:Malanding Scenario "'Yan, ah, siguraduhin mong maayos na 'yan. Ito pa, ilagay mo dyan," utos ko sa mga helpers na kinuha ni Mommy para sa resto ko. "Yan, good." Binaba ko ang hawak kong clipboard. "Sige break na kayo." Napahinga ako nang maluwag at tinignan ang buong restaurant. Umupo muna ako saglit at kinuha 'yong mga magazines na nakakalat. Binuklat ko 'yon. Puro pictures ni Stella yung nasa loob kaya naman napangiti ako. "'Nak!" Napalinga ako nang marinig ang boses ni Mommy. Tumayo ako at niyakap s'ya. "How are you? Kumusta naman dito?" Nakangiting tanong n'ya habang inililibot ang tingin n'ya sa buong restaurant. "Okay naman po, patapos na," sagot ko. Ilang gamit na lang ang kailangan kong ilagay at tapos na kami. Mamaya pa idedeliver lahat n'ong ini-order ko na mga

