Chapter 11:Drunk Sinundan ko ang tumatakbong si Mica at nang malapit na ako sa kanya ay hinigit ko ang braso n'ya kaya napatigil s'ya sa pagtakbo. Nang humarap s'ya sa akin ay basang-basa ng luha ang mga mata n'ya. "M-Mica, 'yong narinig mo," nag-aalangang sabi ko. Napatungo ako habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. "It's okay, Cat. Sanay na 'ko." Umangat ang tingin ko sa kanya at ngumiti s'ya nang mapakla. "Mica, 'yong mga sinabi ni Shaun, swear! Pinigilan ko s'ya pero an-" Napatigil ako sa pagsasalita nang dumating si Shaun. Napatingin sa kanya si Mica. "Mica, s-" Natigilan ako nang marinig ang lagitik na 'yon. Nahulog ang mga panga ko kaya napatutop agad ako sa bibig ko. Napahawak naman si Shaun sa pisngi n'ya na sinampal ni Mica. "Shaun, sawang-sawa na 'ko! Sawang-sawa na '

