Chapter 48:Muling Pagkikita Nanlalambot ang mga tuhod ko habang palabas ng kitchen. Bakit nandito nanaman sila? Akala ko ba umalis na sila? "Ma'am..." Bago pa 'ko makalabas ay tinawag ako ni Lieniel. "Pakibilisan daw po," sabi n'ya. Umalis s'ya sa dinadaanan ko at tuluyan na 'kong nakalabas. Nakita ko sila sa isang table. "What are you doing here?" walang ganang tanong ko. "Cat, anak," si Mommy. "What?" "'Di ka pa ba uuwi? We miss you." "Cat, hija..." Lumingon ako kay Lola. "I'm sorry, 'di ko sadya 'yon. Nadala lang naman ako, okay na 'ko sa fiancé mo. Your Mom already explained it to me." "Yea, I know. But how come? Umalis lang ako? Nagustuhan n'yo na s'ya? Wow. Just wow." "Cat, pareho tayo ng ugali at alam kong alam mong bibihira ako magbaba ng pride." "Yea, I know," walang

