Chapter 26:Someone Better Hindi ko namalayan ang oras dahil sa masinsinan naming pag-uusap ni Shaun. Hindi ko naman literally inikwento sa kanya 'yong buong storya. Ayaw ko namang malaman n'ya na cool off kami ngayon. Ang kinwento ko lang ay 'yong nagkaaway nga kami. Napatayo ako sa kama ko. Kinuha ko 'yong phone ko dahil nag-riring 'yon. "Yes?" bungad ko sa kabilang linya. It was Erianne. Nasa out of town 'yong dalawa, iniwan na naman ako. Bakit gan'on? Lagi na lang akong napapagi-iwanan. "Where are you??" "Nasa bahay malamang. Tignan mo nga dyan, baka nandyan ako," pamimilosopo ko. "Bwisit ka, Cat. Umayos ka!" "Ayos naman ako, wala namang sira." Gusto ko nang matawa dahil malamang sa malamang ay nag-iinit na 'to sa galit. "Bwisit!" "Baliw. Bakit ba? Anong meron?" natatawang ta

