Chapter 44:Party "E, para kasing ewan, nakakatakot sila Lola. Buti nalang tinawagan mo ako." "Kahit kailan talaga, Cat," natatawang ani Shaun. "Heh! Porke close lang kayo!" Close sina Lola at Shaun lalong lalo na si Lolo at Shaun. Mabilis na nakuha ni Shaun ang tiwala nila Lolo't Lola n'ong kami pa. "Shh, 'wag ka ngang sumigaw," suway n'ya. "Pero, sure ka? Nandoon talaga si Raña?" tanong ko. Nakakainis mang isipin na pupunta s'ya pero wala akong magagawa. "Oo. Why? Is there any problem? Pero, 'di ba nakamove on ka na naman pero ba't affected ka pa rin?" tanong nito. "Ewan ko, hindi ko alam," tanging sagot ko. Ang daming tanong na bumubulabog sa utak ko. Nang makarating kami sa bahay na Kit ay bumaba na agad ako sa kotse ni Shaun. "Ano nga palang meron?" tanong ko kay Shaun nang

