LXII. HABANG NAKAUPO SI Ice sa kabilang mesa ay wala siyang tigil sa pag-inom ng alak. Pinipigilan na siya ng ama niya pero hindi siya nagpapatinag dito—nagmamatigas siya. Ayaw niyang magpamando rito. Basta ang sigurado siya, nasasaktan siya at hindi niya gusto ang nangyayari. Totoong gusto niyang mahawakan ang anak kahit ilang segundo o minuto man lang. Gusto niya itong mayakap at humingi man lang ng tawad dito. Pero wala siyang magawa kung hindi tiisin ang lahat. Labis ang galit ng asawa niya at mukhang buo na ang desisyon nitong ipagdamot sa kaniya ang anak nila. Tiningnan ni Ice ang anak niya na karga ng ama niyang si Sid. Dahil hindi niya ito malapitan, kinuha niya ang telepono sa bulsa at ginamit ang camera para tingnan ito nang malapitan. Habang unti-unting lumalapit ang kuha ng c

