XXXVI. PAG-UWI NI ICE sa mansion nila ay una niyang inalam kung nagkabati na ba ang mga magulang niya. Ang una niyang pinuntahan ay ang mahal na lola. Pagdating niya sa kuwarto nito, nadatnan niyang naglalagay na ito ng pangpapaganda sa mukha. Mukhang naghahanda na ito para matulog. Nilapitan ito ni Ice at niyakap. Pinaulanan niya rin ito ng halik sa pisngi. Hindi niya maitanggi sa sarili na iba ang pagmamahal niya rito. “Good eve, Mamita. I love you,” sabi ni Ice. “Mukhang pagod na pagot ka?” ani Doña Irwana. “Ang dami ko lang ginawa sa kumpanya. May hinahabol kasi akong tapusin. Mabuti na lang nandiyan ang asawa ko. Ang talino niya talaga, Mamita. Ang dami niyang suggestions na nagpapamangha sa akin.” “Mana nga sa ama. Mabuti na lang ang ugali, hindi,” nakangiting sabi ni Doña Irwa

