Shut-up That was one of my memorable night. Nakasayaw ko ang isang Abraham Quiamco, ang tagabundok na gusto ko. Siguro may mga pagkakataong itinakda talagang nangyari. May rason ang mga tinginang iyon, kung bakit nagkakabanggaan kami at ang aming tingin palagi. Maybe we're destined to meet each other. Kung ano man ang tunay na rason ng tadhana kung bakit kami pinagtatagpong dalawa, gusto kong gumawa kami ng alaala. Na kahit sa pagtanda ko ay matatandaan ko ang mga bagay na alam kong nagpasaya sa akin. Sayang at mabilis ring natapos ang taon ko sa Grade 9. Pebrero narin kasi noon at ang mga sumunod na araw ay final exam na. Sumapit agad ang summer. Wala rin kami sa bukid dahil sa pagluwas namin sa Maynila. Doon kami nagpalipas ng Summer ni Kuya. Ang gusto ko sa kanya tuwing ba

