27

3156 Words

First Kiss   Inusisa ko kaagad si Feli sa nangyaring gulo noong pumunta siya sa bahay. "Pinagtabuyan ako ng Kuya mo dahil sa mga hampaslupang iyon, Riss! Di ko talaga maintindihan at bakit pinagtatanggol niya ang mga ipis na iyon!" gigil na gigil niyang sabi kahit kararating lamang. Humalukipkip ako sa couch at pinagmasdan siyang sinusuklay ang basa niyang buhok. "Eh nagtataka ako ba't niya naging close iyong mga Junior na iyon eh hindi naman pala kaibigan si Israel!" aniya, halos lumuwa na ang mga mata.   Kumunot ang aking noo.   "Junior?"   "Oo, mga Junior! Iyong kapatid ni Bram na babae at mga kaibigan niyang mga higad! Tapos may dalawa pang lalake! Feeling ko may mali eh! Bakit bigla bigla nalang dumidikit si Israel sa babaeng iyon?!"   Nagulat agad ako sa sinabi ni Feli.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD